New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 46
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,614
    #1
    how do you search for a rare car (i'm interested in a 2000 accord vti-L 2.3 m/t)? safe ba yung buy & sell at used-car lots?

    how do i inspect the car? panno ako makasisiguro hindi nagka-major damage yung car and well-maintained siya, and that hindi inatras yung odometer?

    if i finally find the car of my dreams, what stuff should i do with it? kelangan ba palitan yung such stuff as the radiator, water pump, brake pads, fluids para sigurado?

    and lastly, para sa mga may experience sa pre-owned vehicles, pa-share naman ng hunting, buying, and after-purchase experience (kumusta naman yung sasakyan)...

    pasensya na sa daming tanong... i really don't know how to hunt for a used-car eh :oops:

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    Kung ganyan lang kabata din ang bibilhin mong used car, maliit lang ang chance na magkamali ka.

    I bought a 5 year old truck and other than the a/c evaporator and compressor shaft, wala siyang problema. You don't need to buy all those parts lalo na at 2000 model naman ang balak mong kunin.

    Madali naman mahalata ang crash repairs, eh. Ewan ko lang, I seem to have knack for that. Check for overspray. Iyan ang biggest clue mo. Pati mangled license plates. Ok lang naman if the car has been in a crash, basta tama ang restoration.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #3
    try mo wag sa mga buy and sell....

    mag chaga ka maghanap sa mga owners talaga...

    mahirap...pero mas ok kasi sa kanila eh...kami ng dad ko...1 month or more naghahanap ng car pag bumibili...kasi mahirap talaga ung sa owner mo makukuha....ang bibilis ng mga buy and sell!!!

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    537
    #4
    ang pagbili sa isang used car kailangan matiyaga ka talaga . take time shopping .
    make sure na hindi salvage title , always go for a clean title ni natter what , gaya ng
    sinabi ni Sir Otep , the best way to find out if nag pa respray because of accidents or
    worst comes to worst chassis damage , pop up the hood and check the edges , doon
    mo makikita ang orig na paint .

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #5
    medyo kainis bumili nga ng 2nd hand... minsan baboy ang may ari...

    kaya brand new na bilhin mo mbt! cefiro elite! :lol:

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,614
    #6
    mazdamazda,

    o nga e, gusto ko talaga ng rav4 pero masyado maliit sabi ng dad ko and di sulit sa tax-inflated price! ehehe... gusto ng dad ko cr-v pero ang cheap cheap ng feel, im not impressed. gusto ko M/T kaya out na yung camry and cefiro and accord...

    that leaves a Civic RS and a pre-owned 2000 Accord M/T... :roll: sa ganun i think i'll be happier with the accord

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #7
    ako from now own yung mga trusted na buy and sell na lang at kung maari kilala ko yung dating may ari.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    230
    #8
    kung kanino ka bibili, sa buy & sell or sa owner, its your call.

    kaya lang talagang karamihan ng binebentang cars by the owners themselves ay maraming sira. tapos, iaalok sa mga buy&sell dealers. umaasa na lang sila na aayusin ito ng makakabili.

    check service records para malaman kung atrasado talaga ang odometer.

    di naman necessary ang palitan ang ibang parts. kung sira na or kailangan na palitan according sa maintenance schedule, doon lang palitan.

    for me, the test drive is the most important part in purchasing a used vehicle. yung sa body like mga dents ay madaling ayusin, ang sa mechanical ay mahal at mahirap. i really prioritize the engine performance over the condition of the body and chassis.

    and try to stay away from "kargado" or "bihis" cars. maraming tinatagong defects ang mga yan. wag kang masisilaw sa price dahil most of the time, mas mataas ang price nila kesa sa same car na stock. (and ang dami rin nauuto na buyers).









    i purchase a used car mga once a month. dealer kasi ako.:mrgreen:

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,614
    #9
    is there a particular used-car dealer that you guys have experience with or can recommend?

    kahit sa buy and sell walang ad para sa kotseng gusto ko :?

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #10
    Dude, I would advice against buying from used car lots... dami silang "antics" eh.... Not all, but from my tambay experience....

    1) Scratches and other paint problems... Pansinin nyo, laging gumagamit ng colored wax mga yan... Since their lots aren't that well lit, and most people aren't knowledgable in paint care. Nakakalusot sila... Pag wash mo ng car sa bahay, ayan na, labasan ang malalalim na scratch, etc...

    2) Scratch-Rust... Nung nagpa PDR ako sa Buendia, yung mga mayari ng stalls, they walk around, dabbing touch up paint in almost any visible scratch and imperfections, pati mga small rust (which will grow), etc, they just blob it on para matakpan.

    3) Interior... Dami sa mga dealers they smother the interior with air freshener and armour all, making it look untarnished and unfaded...

    4) Pwede-na-yan conditions - They usually have the car "fixed" for short term drives and stuff, para pag test drive walang problem. Naka rekta ang fan, disabled thermostat (to prevent overheating), rekta mga power windows, etc... those kinda things...

    I would advice to take your time shopping, and try to go direct to the seller... Catch them off guard pag magtetest drive ka, usually kung sinabihan mo in advance, they'll warm the car up na before you arrive (yun pala hirap na hirap sa cold start), etc...

    Have several choices and don't base things on looks alone... Malaking influence ang "at that moment" impression... Baka maganda tingnan, tapos nadadala ang mindset na ok narin ang ride/performance...

    Ikaw ang buyer, pera mo yan, so spend it well...

Page 1 of 5 12345 LastLast
How do you hunt for and buy a second-hand vehicle?