1. magpa emissions test ka BEFORE you go to LTO. the emmission test has a 60day validity period, i think. P300 cost nito.
2. when you go to LTO, ung mga taga stencils dun, padating ka pa lang, amoy ka na nila. pag nakita nila plate no. mo, maguunahan sila sayo, kasi may commission sila sa TPL insurance companies. to be honest, next-to-useless ang TPL insurance e. requirement lang to ng LTO para mka register ka. some/most of these TPL companies are fly-by-nights. pabayaan mo ng mag stencil ung lalapit sayo, bantayan mo na lang. after stenciling, dadalhin ka sa "office" nila para i-type ung paperworks.
3. after TPL, dadalhin ka na nung lalake sa correct window ng LTO para sa registration mo. pag naibigay na sa window ung papers mo, dun na nag end ung "service" nung stencil-boy, bigyan mo na lang ng tip.
4. hintayim no na lang tawagin ung name mo, para magbayad ka. last registration ko ng 1.6 VTi ko, total about P2000. pansin ko, every year, tumataas by about P300 registration ko.
5. sa las pinas, mabilis lang ang process. last year, 2hours lang, tapos ko na.
6. you can go to ANY LTO office. if different from previous LTO office ang puntahan mo, magbabayad ka lang ng P100 for transfer of venue.
ano pa ba.. this week na din ako magpaparegister e.. btw, before you go, i'm not sure kung kailangan ng mga xerox, but to be sure, pa xerox mo OR/CR mo na din. hassle mag pa xerox sa LTO, pabalik balik ka.