Medyo tricky situation yan. Hawak nya ang orig documents with a deed of sale from the original owner.
Kung alam nyo ang complete name nung kausap nyo subukan nyo tumawag dun sa office na pinuntahan nyo para ma-verify kung empleyado nga sya dun at kung kilala nila. Para kahit papano malaman nyo kung kelangan nga talaga magalala o hindi.
Ang transfer of ownership ay kayang tapusin ng 1 maghapon yan. Yun sa unang sasakyan ko eh ako lang ang naglakad kasama parents ko. Natapos namin within the day lang. Sa LTO lang naman ang medyo matagal dyan. Yun sa pagkuha ng clearance eh mabilis lang yan. Tapos nun eh abutan mo nalang yun nag-stencil sa TMG. Tsaka ang total gastos ko lang sa transfer of ownership ay wala pang 3k sa pagkakatanda ko.
last year nang nag apply ako ng transfer of ownership sa lto compound na lang sa las pinas kasi may satellite ofc naman iyong tmg doon. natagalan lang talaga sa lto pero other than that smooth sailing naman lahat