New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 24
  1. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    158
    #1
    Hi mga ka tsikot ,

    Once again I need your help/advice to my very serious problem

    I bought a car this year lang january

    I went to TMG-PNP Pasig para lang sana kumuha ng PC clearance this monday Feb 10

    Nag inquire ako and then someone assist me ( YUNG MGA NAKA RED UNIFORM DUN SA TMG PASIG )
    Sinabi ko PC clearance lang pero inofferan ako ownership transfer + registration nadin na umabot ng almost 8K

    Sabi pa kung pc clearance lang daw aabutin pa ng linggo or something

    E ako naman si TANGA pumayag na at nagtiwala dahil dun naman nag ttrabaho yung nag assist sakin but not sure pero naka pula kasi talaga lahat ng nag aassist dun pati yung nag sstencil

    Now i paid almost 8K and he has all the orig docs of the car ( OR / CR , Deed Of Sale , a copy of my 2 id with 3 signatures , same with the previous owner )

    He said this friday ok na pero tinawagan ako kagabi na next week padaw ng friday makukuha pero na-computer nadaw and other alibi's and all that. So wala nako nagawa pumayag nalang ako na next week na nga talaga at pipilitin niya padaw mapaaga by friday

    I know this was a biggest mistake from the start and the fact na ang laki ng binayad kong lagay para lang ma process to at ganto pa nangyari . I know this was all on me and i admit my mistakes .

    My Questions


    1.)What can i do in this kind of situation? Shall i wait until next friday?

    * Wala talaga ako alam sa mga ganto i know i should have process the transfer and registration in a legal way with no fixers pero nangyari na to so i need all the advice you can give guys thank you

    2.)Gano ba talaga katagal mag process ng transfer of ownership at registration ng car?

    *Orig Registered ang car when 1st bought is sa Manila East District Office ( checked on OR ) so sa pasig po yun right?

    *Pero nakatira ako BF Homes Paranaque at yung 1st owner ay sa las pinas , last rehistro ng car ay sa Muntinlupa

    3.)What if i file an affidavit of loss nalang to get the ORIG OR/CR of the car if ever diko parin makuha sa next friday ? pwede ba yon?

    *Hindi pa sakin nakapangalan yung car , on the process palang sana when this mess happen

    *What should i do? to file an affidavit of loss? kailangan ba yung Registered owner parin ng car ang mag file non? kahit may deed of sale kame(notarized)?


    What i have right now is:

    *photocopy of the OR/CR (b&w lang)

    *2 Orig Deed of sale w/ notarized ( actually nagpa notaryo pa kami ulit ng isa dahil daw yung mga notarized na asa akin parang xerox copy ang dating dahil hindi masyado clear ang type writer na ginamit kaya nagpa notaryo pa mismo ako dun sa TMG buti may copy ako na open deed with the previous owner signature so dun ko nalang nilagyan ng name ko at signature sa buyer field )

    *photo copy of the 2 id and 3 signatures of the 1st owner

    * 1 bond paper letter of the TMG Agent stating that he have all the original papers of the car but hindi naka list down dun sa paper nayun kung ano ano yung orig papers na hawak niya , nakalagay lang is : " originals papers of the car plate no : *** **3 ( with his signature and 2 valid id , dun ko nalaman na TMG agent siya dahil may agent nakalagay sa position niya )
    btw ending ng plate ko is 3

    yung conversation namin sa txt hindi ko din binubura from the start .


    nakakausap kopa naman yung 1st owner pero di niya pa alam na eto yung nangyari


    Napaka laking problema neto sakin and i dont know how to solve this natatakot din ako bumyahe dahil wala akong OR/CR just the photo copy lng

    wag niyo na po akong pagalitan dahil inaamin ko naman yung katangahang ginawa ko sana yun can give adivce and help me on this so far nag tetext pa sakin yung Agent na next week nadaw talaga sure by friday pero i dont know kung totoo payun kaya i need to know what steps should i do kung sakaling mangyari na nga ang di inaasahan

    Maraming salamat sa inyo mga ka tsikot

  2. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    354
    #2
    Medyo tricky situation yan. Hawak nya ang orig documents with a deed of sale from the original owner.

    Kung alam nyo ang complete name nung kausap nyo subukan nyo tumawag dun sa office na pinuntahan nyo para ma-verify kung empleyado nga sya dun at kung kilala nila. Para kahit papano malaman nyo kung kelangan nga talaga magalala o hindi.

  3. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8,555
    #3
    Susmaria, dapat Ikaw nalang lumakad ng papel mo. Kotse mo naman yan eh!

  4. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #4
    Ang transfer of ownership ay kayang tapusin ng 1 maghapon yan. Yun sa unang sasakyan ko eh ako lang ang naglakad kasama parents ko. Natapos namin within the day lang. Sa LTO lang naman ang medyo matagal dyan. Yun sa pagkuha ng clearance eh mabilis lang yan. Tapos nun eh abutan mo nalang yun nag-stencil sa TMG. Tsaka ang total gastos ko lang sa transfer of ownership ay wala pang 3k sa pagkakatanda ko.

  5. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #5
    8T? sobra naman yan.. tsaka bakit mo naman binayaran agad lahat?? dapat 1T muna the rest pag natapos..

    yung TMG clearance 2 days lang yan worth 400 yata.. tapos transfer of ownership wala pang 1000 yan..

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #6
    medyo madugo yan.
    pero tama, isang araw lang na lakaran yan tapos lahat yan.

  7. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    18,997
    #7
    last year nang nag apply ako ng transfer of ownership sa lto compound na lang sa las pinas kasi may satellite ofc naman iyong tmg doon. natagalan lang talaga sa lto pero other than that smooth sailing naman lahat

  8. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    158
    #8
    I have a photocopy of his 2 id po at letter stating na he have all my orig docs
    One of his id is PNP HPG id his designation is Action Agent
    Ung isa naman Its his drivers license pero blurry pero so far readable ang name niya and address pati license number .

    Yes i know sana ako nalang naglakad alam ko sobrang stupid ko talaga di ko naisip yun nung nandon nako basta nalang ako umoo eh kasi iniisip ko nun mabilis yung process pag nagpa bayad ako . At isa pa hindi ko rin talaga alam yung lto ng manila east district . Naligaw nga ako pag punta dun sa tmg pasig eh buti may waze app. Pero kahit na alam ko mistake on my part parin sobra talaga taena dahil dito di ako makatulog ng maayos


    Posted via Tsikot Mobile App

  9. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #9
    nandyan na yan eh.. best way eh puntahan mo ulit don sigurado nandon lang yan sa area.. then pag wala maibigay.. bawiin mo na lang yung mga binigay mo pati yung pera.. madami pulis don.. patulong ka..

  10. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    1,851
    #10
    Mga negosyo nila yan, mag aantay ka nga lang na dapat ikaw na asikaso less money pa. tayo kc ayaw pumila lalo mkita na mahaba hahanap lng ng shortcut... Bright side nyan me connection ka sa HPG Kung me violation ka lalo sa mmda call a frend na HPG takot mmda dyan, pued mo naman balikan yun me id ka naman pla... At me satellite Ofc ang HPG dyn me domestic in paranaque layo pasig dami Tao ang konti Tao sa me crame. Then LTO file dyn sa me side ng cityhall paranaque.


    Posted via Tsikot Mobile App

  11. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    158
    #11
    Baka kasi may kapit din sa pulis eh dahil dalawa sila na nag assist sakin eh tapos yung isa taga stensil. Di kona nga alam gagawin ko eh hinihintay ko na nga lang next week friday pag wala pa mag seek na talaga ako ng advice sa abogado . Actually ni try ko nga tanungin sakanya kung pwede ko nalang kunin yung documento at ipa cancel ko nalang kahit di kona kunin yung perang binayad ko ang sabi naman " nandun na yun sir di na natin pwede makuha nakafile na dun yon , na computer nadin yun di lang talaga marerelease ngayong biyernes" .


    Posted via Tsikot Mobile App

  12. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #12
    ok na yan sir.. hintayin mo na lang.. wala naman sila mapapala kung itatakbo nila yan.. naka pera na sila sa yo eh.. baka busy lang sa racket nila kaya di maasikaso.. hintayin mo na lang yung Friday..


    Quote Originally Posted by KrisVios04AT View Post
    Baka kasi may kapit din sa pulis eh dahil dalawa sila na nag assist sakin eh tapos yung isa taga stensil. Di kona nga alam gagawin ko eh hinihintay ko na nga lang next week friday pag wala pa mag seek na talaga ako ng advice sa abogado . Actually ni try ko nga tanungin sakanya kung pwede ko nalang kunin yung documento at ipa cancel ko nalang kahit di kona kunin yung perang binayad ko ang sabi naman " nandun na yun sir di na natin pwede makuha nakafile na dun yon , na computer nadin yun di lang talaga marerelease ngayong biyernes" .


    Posted via Tsikot Mobile App

  13. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    158
    #13
    Sana nga sir after talaga nito if ever matapos tong problema na to hinding hindi nako mag papa process . Laking abala pa kasi gusto kong bumyahe going to nueva ecija eh i only have 3 photo copies of the or and cr kaya talagang napaka laki ng problemang ginawa sakin . Tinext ko nga kanina tinanong ko kung ano naging issue ang sabi "RSU STICKER UPLOAD " daw eh kahit ako di ko alam yan eh hay nako pag sineswerte ka nga naman


    Posted via Tsikot Mobile App

  14. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    1,711
    #14
    Quote Originally Posted by KrisVios04AT View Post
    Sana nga sir after talaga nito if ever matapos tong problema na to hinding hindi nako mag papa process . Laking abala pa kasi gusto kong bumyahe going to nueva ecija eh i only have 3 photo copies of the or and cr kaya talagang napaka laki ng problemang ginawa sakin . Tinext ko nga kanina tinanong ko kung ano naging issue ang sabi "RSU STICKER UPLOAD " daw eh kahit ako di ko alam yan eh hay nako pag sineswerte ka nga naman


    Posted via Tsikot Mobile App

    Sir ung nakausap mo ba nakikita mo pa din dun sa TMG-PNP Pasig office? pasimple na kausapin mo with a hidden camera, ask mo lang status ng papers mo at kung bakit natatagalan.

    Pag nangako syo ng another date pumayag ka lang at sabihan mo sir asahan ko yan, gawin mong confortable ung fixer.


    Panoorin mo ung hidden video mo, kung sa tingin mo clear naman ung mukha nya at ma-identify sha, lapit ka kay TULFO. Photocopy mo ung mga available documents mo, at other evidence na pwede mo maibigay.

    Para sa pagbalik mo sa TMG-PNP Pasig Office kasama mo na ung mga huhuli sa kanya.

  15. Join Date
    Nov 2013
    Posts
    621
    #15
    I think you've got no choice but to wait, if you don't want to complicate the situation. Next time, never deal with fixers.

  16. Join Date
    Feb 2014
    Posts
    54
    #16
    i suggest boss puntahan mo ulit yung kausap mo dun and personally follow up mo na yung napag kasunduan nyo. it is also one thing to assure na taga dun nga sya talaga at andun pa yung mga docs ng car mo. ang nakakatakot kasi dyan hawak nya lahat ng docs ng car mo eh

  17. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    158
    #17
    thank you so much to all you advice, I will seriously take that in mind never to deal with fixers i just dont know what happen to me baket bako pumayag , my ignorance and laziness plus stupidity kicks in somehow .


    Makuha ko nga o hindi i will really go there next friday it i will take that advice to take a video of it

  18. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    81
    #18
    mga katsikot! did you guys watch the dos por dos program of anthony taberna and gerry baja. initerview nila si mercedita gutierrez ng LTO, she admit na may malaking problema sa communication between the higher rank officer and their subordinates, kaya yun mga papeles ng LTO na dapat iprocess, nagkakaroon ng delay dahil sa problema na iyan.

    may nabasa din kayo ng LTO announcement na lahat ng plaka at sticker ay available na sa lahat ng district office ng LTO?at according to mercedita gutierrez, hindi totoo yun sinasabi ng LTO announcement, gusto ng palabasin ng higher rank officer na yun lower rank and file employee ang nagdelay sa releasing ng plaka at sticker para kasuhan sila ng administrative charges at tanggalin sa trabaho.

    ako nagpa change of ownership din nun first week ng january thru my cousin, na dati pa nag handle sa mga LTO matters ng office namin. ganyan din ang dahilan, computer updating ng record, nasa loob na ng LTO yun mga papeles ko, hindi ko pa nakuha yun bago cr hanggang ngayon.HTH

  19. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    158
    #19
    Thanks sa info sir ang problem sakin is di ko naman kilala yung naglakad personally kaya im super worried until now walang update


    Posted via Tsikot Mobile App

  20. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    158
    #20
    Laging sinasabi nung agent ginagawa padaw yung papel at tatawagan niya nalang daw ako pipilitin daw next week . I will go this friday dun ulit sa tmg pasig at ivivideo ko conversation namin then file a complain pag until next week wala pa talaga . Tingin ko kase pinapaikot nalang ako nung agent nananamantala talaga sila sa mahihinang taong katulad ko . This is the biggest mess i encountered in my life


    Posted via Tsikot Mobile App

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

HELP ( Big Problem Possible Scam )