Hi,

Bibili po kami ng Strada GLX at eto po ung nakuha naming quotation from 2 dealers na medyo magkalapit. Yung iba kasi na nakausap ko puro all-in ung offer at hindi daw nila kayang tapatan etong 2 offers na ito sa amin.

Ang sabi namin sa dealers, 50% ang downpayment na babayaran namin. Tapos ung bank financing, kami na ang bahala. Medyo wala na nga silang kita sa ganun kaya siguro hindi na natapatan nung ibang nakausap naming dealers. Eto po ung offers sa amin.

Diamond Motors Greenhills
Unit Price: 905,000
Freebies:
3 years LTO
TPL
Tint
Matting
Seatcover
EWD
Umbrella
Keychain

Union Motors
Unit Price: 890,000
Freebies:
Tint
Matting
Seatcover
TPL


Konti lang lamang ng Union motors pero sa dami ng horror stories sa kanila, mas gusto ko talaga sa diamond motors bumili. Tingin nyo po ba kaya pang ma-haggle etong offers na to?

Thank you.