Ganito kasi, na-inganyo ako sa assume balance na brand new. Then yung kausap kong babae, pina-send nya lahat mga requirements like COE, payslip, proof of billings, etc. Then ok na usapan namin at mag-meet next week. Pero humanap siya ng mababaw na dahilan at biglang nag-back out. Ngayun nasa kanya na mga papel ko.

Posible ba niya itong gamitin sa mga bank para magpa-approved? Ang business ata niya ay magpa-assume ng new car, ganun kasi lahat nakita ko sa mga ads niya.