Magandang gabi sa inyong lahat.

manghihingi lang ako ng opinyon nyo tungkol dito. may budget akong 200k para pambili ng kotse. ayoko namang bumili ng brand new kasi mga 4-6 months ko lng magagamit every year. kadalasan kasi ng project sa trabaho ay overseas kaya madalang ako sa pilipinas.

ayos bang bilihin ang lancer na ganitong model? sa mga nababasa ko ay suspension at aircon issue ang meron sa ganitong kotse pero kaya naman gawan ng paraan yun. ano sa tingin nyo, bilin ko ba? o may mas maganda pa option?

maraming salamat.