walang amp ang speaker, ang amp ng headunit, built-in na sa board ng headunit... ano ba model ng radyo mo? usually nasa harap nakalagay na yung max wattage ng radyo.
...either those or the coil/driver of your speakers are have begun to burn (sunog - kung baga may sayada na). You can do the following quick test to determine if the coil/driver has began to burn:
Remove the cover of your speaker.
Gently push the speaker cone up and down ('bout half an inch or so)
Repeat the same process using by gently pushing up and down around the outer cone in a circular motion
Dapat pino ang laro nung cone. Kapag naramdaman mong medyo magaspang na and/or may naririnig ka nang gumagasgas, it's possible sunog na ang coil ng speaker mo. Either kailangan mo ng bumili ng bago or ipa-rewind mo.
Kabuke, depende eh. For example, kung 50W per channel ang output ng ampli mo, tas yung speakers mo eh 8-ohms ang load rating, 50W ang magiging rated output ng speaker mo. Pero, kung 4-ohms lang ang load rating ng speaker mo, ang magiging output nya eh 100W . This is because habang bumababa yung output impedance ng speaker, mas lumalakas ang output nya. So, kung 6-ohms ang load rating ng speaker mo, 75W ang rated output nya. Pero medyo may iba pang factors na nagde-determine ng output.
Tignan mo yung magnet ng speaker mo, nakalagay yun kung ilang watts RMS at Max (RMS = basically sustained wattage na kaya, MAX = maximum wattage na kaya)..
Kung nakalagay sa speaker eh 25W*4ohm RMS, 50W*4ohm Max, dapat yung radyo mo (ideally, but not a rule), kaya magbigay ng 20-25WRMS*4ohm... Max rating usually sabog na yun tunog.
Kung lumang radyo yan, most probably nasa mga 10watts lang RMS nyan, kaya kung pinihit mo volume more than half, nagdidistort (sabog) na tunog ng speaker.
Most of the time, lalo na with older cars with stock sounds, di sya talaga pwede malakas, sabog talaga tunog nyan unless kinabitan ng amp o mas ok na speaker.
Dapat greater ang RMS rating ng speaker compared sa power output ng HU mo, it should not be as close as possible. In this way you're putting your speaker to be free and safe from unavoidable and unexpected loud sound. Kung 50watts per channel ang output ng HU mo, magdagdag ka ng additional 25% sa speaker na ikakabit mo.