New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    20
    #1
    mga Sir&Madam,,


    nag palit po ako ng head unit pinakabit ko sa isang kakilala, eto po nung ikakabit na magkaiba po pala yung adapter nung head unit na bago ang ginawa niya pinutol yung wire tapos yung luma na adapter ang kinabit niya, gumana naman yung head unit at speakers.. ang problema po nung nakabit niya na lahat habang pinapatugtog namin nag amoy sunog... in'off ko agad, yung right front speaker pala yun parang uminit yung iba hindi naman pinutol nalang niya yung connection nung right front speaker. di ko alam kung mali yung kabit niya ng wire o grounded na talaga yun or baka sira na talaga yung speaker?.

    balak ko na pa naman mag palit ng seps nakakatakot lang baka masunog lang din..

    tanong ko lang po,,

    1. napapalitan po ba yung ganung wiring? di ko alam yung tawag pero yung ibaba po yung kulay yung pinag sasalpakan ng head unit
    2. kung napapalitan po mahal po ba mag pa rewire? sa estimate niyo po magkano po kaya?
    3. tsaka yung adapter po napapalitan ba yun? para malinis lang po yung wiring


    thanks in advance!

  2. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #2
    Anong head unit? Anong Oto kinabit?

  3. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    20
    #3
    Quote Originally Posted by [archie] View Post
    Anong head unit? Anong Oto kinabit?


    JVC kd-bt22 po yung head unit.. kinabit sa isuzu highlander xtrm..

  4. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #4
    Normal head unit and hindi high output. 2 things I can think of, nilakasan yung volume kaya uminit yung stock speaker or may Mali sa wiring. Baka may dumikit or natap sa right front.

    Kung ako sir, papabalik ko yung wiring na original then tap na lang sila sa wires after the harness, mas madali ibalik stock if ever. Balik niyo sa naginstall Para masilip ulit wiring. Last touch sila kaya sagot nila speaker mo dapat kung may Mali.

  5. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    20
    #5
    sir Archie, pano po kung papalitaan nalang ng bagong wire lahat? pwede ba yun? pati yung pinakabitan ng head unit..
    para if ever na mag palit ako ng seps ehh hindi nakakatakot masunog o uminit.. kung pwede yun mahal ba mag pa rewiring?

    salamat ulit!

  6. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    3,527
    #6
    Quote Originally Posted by meteora09 View Post
    mga Sir&Madam,,


    nag palit po ako ng head unit pinakabit ko sa isang kakilala, eto po nung ikakabit na magkaiba po pala yung adapter nung head unit na bago ang ginawa niya pinutol yung wire tapos yung luma na adapter ang kinabit niya, gumana naman yung head unit at speakers.. ang problema po nung nakabit niya na lahat habang pinapatugtog namin nag amoy sunog... in'off ko agad, yung right front speaker pala yun parang uminit yung iba hindi naman pinutol nalang niya yung connection nung right front speaker. di ko alam kung mali yung kabit niya ng wire o grounded na talaga yun or baka sira na talaga yung speaker?.

    balak ko na pa naman mag palit ng seps nakakatakot lang baka masunog lang din..

    tanong ko lang po,,

    1. napapalitan po ba yung ganung wiring? di ko alam yung tawag pero yung ibaba po yung kulay yung pinag sasalpakan ng head unit
    2. kung napapalitan po mahal po ba mag pa rewire? sa estimate niyo po magkano po kaya?
    3. tsaka yung adapter po napapalitan ba yun? para malinis lang po yung wiring


    thanks in advance!
    Paano magkaiba yun "adapter"?

    If you simply enlisted the services of a friend who's not really an experienced installer and you know of that, then that's your problem. Dapat walang liabilities ang kakilala.

    I'm not too sure on what archie says by "high output"... conventional head units to speaker connections are made by speaker-level or high-level signals. High level is because they throw both voltage and wattage to the speaker.

    Yun mali isn't regarding the head unit. It's the installation.

    Can you get a burning smell thanks to a head unit? Unlikely. Stock speakers with their tiny voice coils can take more than 50W in transient power and 38W of RMS power... except that it'll be heavily distorted. But it won't burn the VC. That's why you can simply plug-and-play a stock head unit with an aftermarket one without much worry.

    Napapalitan? Lahat naman napapalitan.

  7. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #7
    Quote Originally Posted by meteora09 View Post
    sir Archie, pano po kung papalitaan nalang ng bagong wire lahat? pwede ba yun? pati yung pinakabitan ng head unit..
    para if ever na mag palit ako ng seps ehh hindi nakakatakot masunog o uminit.. kung pwede yun mahal ba mag pa rewiring?

    salamat ulit!
    Hindi mapapalitan yung buong wiring pero kung naitago yung Luma kahit soldering iron na lang para matibay. Mas ok kasi na ibalik luma then tap sila for the new adaptor to the head unit. Magbase na lang sila sa color coding and kapal ng wire to restore to original.

    Not worth it para rewire everything para lang sa adaptor. And yes mahal electrician to trace the whole wiring.

  8. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,271
    #8
    nung pagka on ba bigla nalang nangamoy ung speaker..or tumutunog tapos bigla nalang nangamoy..

    kung pagka on palang nangamoy na bigla..mali ang wirings..baka naikabit ung spaeker sa power ant,,

    kung tumutunog naman tapos bigla nalang nangamoy..eh baka mataas ang wattage ng Head unit..tapos mababa lang wattage nung speaker mo..kaya nasunog..
    or naka todo pa ung volume kasi nga tinetesting kung malakas

  9. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    20
    #9
    * Sir jhnkvn, yes sir magkaiba yung pagsasalpakan nung Head unit dun sa luma na Head unit.. so pinutol niya yung wire at dinugtong nalang.. wala naman problema ngayon gumagana naman lahat.. yung right front lang talaga yung uminit nun.. papa check ko nalang siguro yung wiring dun sa right front pag nag palit na ako ng seps.. salamat sir!

    * Sir [archie], salamat! ganun nga yung ginawa niya yung luma padin ang ikinabit na wire at adapter..

    * Sir jaypee10, nung tumutugtog na dun nangamoy sunog yung right front speaker.. hindi naman tinodo yung volume, stock na pioneer yung speaker di ko alam kung ilang wattage nun.. pero 5 inches yun alam ko.

Car audio Wire