Good evening. Plano ko sana upgrade ng sound system. Yung 2din headunit ko kasi nag loloko na touch screen. Plano ko sana isabay pag nagpalit ako headunit. Medyo marami na rin ako nabasa sa thread kaso di ko alam kung saan ako mag start kung ako mag sesetup. Pahingi naman tips saan ako mag start, Ano ba dapat bibilhin ko, and saan ko ba ipapasetup.

Sa ngayon, stock speakers lang ng altis 1.8g 2002 model gamit ko. Hindi naman ako nabibitin sa tunog niya. Or siguro wala naman ako nacocompare. Yung sa office ko nag nakasetup na kanya pero d ako nagagandahan sa tunog. Parang d balanse yung bass nya (sobrang dagundong) and masakit naman yung kalansing. D ko naririnig yung ibang instrument. Mas na appreciate ko pa yung stock speaker ko.

Gusto ko sana magpalit na matutuwa naman ako sa kalalabasan. Ano ba marerecommend nyo? Yung sakto lang sa budget. Yung 20k ba kaya na?


Posted via Tsikot Mobile App