P1,100 ang bigay sa akin, natawaran ko ng P 1,000 - Gauge#4 ang taba nung wire yun na yung pinaka-low resistance na wire available, gold plated na din yung battery terminal post. ako na lang nag-install. Mahal kasi sa amin sa Sta.Rosa (Pro-1) at Binan (Kid Audio). Yung Guage#4 sa Pro-1 P1,200 at sa Kid Audio P 1,500. Sa Alabang ako nakabili, fortunately last stock na nila yun kaya natawaran ko ng P1,000 kasi kulang ng 1 nut yung screw, bumili na lang ako ng gold plated na nut for P10 each.
Ang laki pala talaga ng improvement sa engine acceleration ng enhancement sa grounding ng vanzy natin. Nung nagpalit ako ng Drop-In Air filter, medyo naging responsive yung accelaration, ngayon lalong naging responsive yung engine nung nagkabit ako ng grounding enhancement.
Next project ko... Voltage Stabilizer, may nakausap akong nagbebenta ng Pivot Mega Raizin Voltage Stabilizer sa sulit.com P 1,200
