Required po ba na dalin sa casa ang oto (body repairs) kapag brand new? Or pwede sa mga tropa mong latero?

May tama kasi yung pinto ng oto, e gusto ko na ipagawa, kaso parang ayoko dalin sa casa kasi madami pang hihingin para makapagfile ng insurance claim, tulad ng affidavit/police report tas notarized pa.

Bawal po ba na hindi gamitin ang insurance once na may kailangan ka ipagawa sa sasakyan mo? Or pwede ba na sa labas nalang para hindi narin magtagal ang oto mo for repairs? Kasi alam ko pag pinasok mo sa casa, tatagal sya ng 1 week dun, pero pag sa tropa mo, 1 day lang tapos na yung repair.

Newbie question lang po. Salamat po!