New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 19 of 19
  1. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    14
    #1
    Hello mga idol,

    Ask ko lang may mga marerefer po ba kayo na quality wash over po?

    Yung auto ko na bihira kong gamitin, kaninang umaga ginamit namin para mag occular sa isang venue para sa birthday ng anak ko.
    Wala pang 15mins kami nag occular, ayun may gasgas na paikot sa buong sa sasakyan. Ang siste pa, hindi napansin ng nagbabantay sa parking kung sino gumasgas at claim ng venue na hindi daw sa kanila nangyari yung gasgas. May garahe naman po yung sasakyan ko kaya di ko talaga matanggap yun and parang pinapalabas pa nilang gimik namin yun para makalibre whatsoever sa venue which is an insult.

    attach ko po yung pics na kinunan ko kanina. Kung mapapansin nyo medyo maalikabok dahil nakagarahe lang and kitang kita yung depth at yung mga paint na nakayod. if ever kung merong mga wizard kayong kilala na mismong spot lang yung pinturahan para di na madamay yung hood.

    salamat po in advance.







  2. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    936
    #2
    Grabe ah, galit na galit tumira niyan.

    Wala daw bang CCTV footage?

    Ang naiisip kong option diyan sir
    -parepaint kung ano lang yung panels na damaged
    -washover na talaga

    pwede naman siguro idaan sa insurance to sir.

  3. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    14
    #3
    Quote Originally Posted by ronki View Post
    Grabe ah, galit na galit tumira niyan.

    Wala daw bang CCTV footage?

    Ang naiisip kong option diyan sir
    -parepaint kung ano lang yung panels na damaged
    -washover na talaga

    pwede naman siguro idaan sa insurance to sir.
    Naku sir masaklap wala pong CCTV dun sa venue. inasahan lang namin yung nagbabantay ng parking knowing na yung sasakyan namin eh nasa mismong tapat lang nya, and sya na sa pinaka bungad. kailangan lang talaga kaming sumilip sa loob ng venue para makita yung place.

    Wala po itong Comprehensive insurance eh, kasi bihira ko lang talaga gamitin parang one month a year lang. Kung sana meron po kayong kakilalang kayang mag paint dun mismo sa may tama lang, mas ok po. Worry ko lang po kasi baka di magpantay.

    Lahat po ng nakakita nung gasgas ganyan din po sabi. GALIT NA GALIT daw po gumawa.

  4. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    936
    #4
    Ang alam ko lang gumagawa ng ganyan eh Car Magic, na feature na siya sa ilang tv shows pero I can't guarantee kasi hindi ko pa naman na try personally, pero naging kaibigan ko yung daughter ng may ari

    Try niyo po i-google and baka may feedback...ang problema kasi diyan pag di nakuha yung kulay eh mag ma-mapa yan.

  5. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    70
    #5
    Claim mo na lang sa insurance kung meron ka. Pede yan sa vandalism para isang participation lang.

  6. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #6
    Pahilamos mo nalang brad. Claim mo sa insurance under vandalism. Nangyari na sa Optra ko yan, light lang kasi mga bata yun gumuhit, mga walanghiya ginawang blackboard yun Optra ko

    BTW, sobrang gago nung gumawa niyan 'no. Kung ako nasa sitwasyon mo siguro may kalalagyan yung gumawa niyan pag nalaman na kung sino. Lilipat ko sa mukha niya yan mga gasgas ng oto mo ser.

  7. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    171
    #7
    Quote Originally Posted by rmnl View Post
    if ever kung merong mga wizard kayong kilala na mismong spot lang yung pinturahan para di na madamay yung hood.
    mukhang hood lang ang hindi ginasgasan ah.. bopols nung guard kung hindi nya nakita kung sino gumawa.. tirahin na yan!!

    tingin ko din sir washover na yan.. mahirap talaga kasi pag hindi nakuha yung kulay, baka mas panget kalabasan. gaya ng sabi ni sir ronki baka mag-mapa.. dapat expert talaga gagawa

  8. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    989
    #8
    Kung ako sayo sir, hwag kana magavail ng kahit anong service dyan sa venue place na yan...mahirap at baka mapasama ka pa sa mga bisita mo at pati auto nila madali ng ganyang kalokohan...15 minutes lang ganyan na ngyari sa auto mo...

    Hindi naiisip ng gumagawa ng ganyan ang abala na dinudulot nyan sa car owner...Buti kung may atraso ka sa gumawa eh pero kung trip-trip lang, unfair talaga...

  9. Join Date
    May 2012
    Posts
    675
    #9
    nakow.. sir mahirap nga yan, try mo muna kahit yung mismong gasgas lang mapinturahan kung kaya, hanap hanap ka muna, kasi sabi ng kilala naming all around mekaniko, sa lahat ng pintura, pula ang mahirap itimpla. kaya malamang pag hilamos yan, baka ibang pula na kalabasan nyan, yun ang sabi nya

  10. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    936
    #10
    May point ka sir, pero pag hinilamos, atleast pantay yung pagkapula niya sa lahat.

    Pansin ko kasi sa mga repainted na panels, pag nailawan/naarawan kita mo yung ibang shade niya kumpara dun sa hindi repainted...

    Kitang kita yan sa mga bumper at mga pinto na nirepaint, iba shade. hehe.

  11. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,778
    #11
    mukhang may pinagdadaaanan gumawa niyan TS. makakarma din siya balang araw. ipawashover mo na nga yan kasi sa itsura mukhang abot hanggang lata yung gasgas e. try mo browse sa thewetlook.com.ph baka makatulong.

  12. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    14
    #12
    Salamat po sa mga reply nyo. Yun nga rin po yung concern ko, is baka di mag pantay at mahalata yung color patch since yung kotse eh almost 9 years na rin so baka mas darker na ang kulay nya (or lighter?) compared noon. Unless matimpla talaga ng sakto sa kulay.

    RE: Insurance claim - wala po kasi akong insurance dito sa sasakyan na ito since bihira ko lang sya gamitin. Problemado naman ako sa budget nito sumabay pa sa birthday ng anak ko at mas priority namin din ma celebrate muna this Sat.

    Next week garahe na naman yung sasakyan for 11months, ayaw ko naman iwan ng binaboy. badtrip talaga.

    Sir Ronki, nakita ko yung website ni Car Magic, subukan ko mag inquire sa kanila within this week, salamat po sa info

  13. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    14
    #13
    Quote Originally Posted by Bin Diesel View Post
    mukhang may pinagdadaaanan gumawa niyan TS. makakarma din siya balang araw. ipawashover mo na nga yan kasi sa itsura mukhang abot hanggang lata yung gasgas e. try mo browse sa thewetlook.com.ph baka makatulong.
    Oo nga po, baka nagkataong kotse ko yung "pinakamalapit" sa kanya kaya nya nagawa yan. Yun na lang, karma na lang talaga... Iniisip ko na lang na baka may reason bakit nangyari yan, kung siguro walang gasgas yan baka Kahapon maghapon eh tuloy tuloy pa kami mag ikot ikot family para maghanap ng venue, baka may iba pang mangyari. hehehe...

    Check ko rin po kuya Bin yung website. salamat din po.

  14. Join Date
    Feb 2012
    Posts
    1,724
    #14
    Kung ako sa iyo, TS hayaan ko na lang muna. Di natin masabi anong "sakuna" pa maaring sapitin ng sasakyan mo so pag-isahin mo na lang. Tutal mukhang di naman umabot sa metal yung scratch. Yung sa akin nga naganyan din, although sa isang side lang from the passenger door hanggang sa may likod . Nung una ang sakit sa puso talaga, lalo mga first week. Second week natanggap ko na rin. Sanayan lang. Hehe. Pero still continually looking din ako where maganda magpa-washover kung sakali. I like the look of the factory paint (flaxxen) din talaga kaya napagtitiyagaan ko pa kahit me gasgas.

  15. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    14
    #15
    Quote Originally Posted by gearhead000 View Post
    Kung ako sa iyo, TS hayaan ko na lang muna. Di natin masabi anong "sakuna" pa maaring sapitin ng sasakyan mo so pag-isahin mo na lang. Tutal mukhang di naman umabot sa metal yung scratch. Yung sa akin nga naganyan din, although sa isang side lang from the passenger door hanggang sa may likod . Nung una ang sakit sa puso talaga, lalo mga first week. Second week natanggap ko na rin. Sanayan lang. Hehe. Pero still continually looking din ako where maganda magpa-washover kung sakali. I like the look of the factory paint (flaxxen) din talaga kaya napagtitiyagaan ko pa kahit me gasgas.
    Haha, ok lang po sana kaso minana ko kasi sa erpat ko po ito. Todo alaga talaga sa akin pa natyempuhan. Actually malalim talaga ang gasgas, halos kita na yung lata. Anyways ok lang naman po na pa wash over ko na kasi one month a year ko lang sya nagagamit. next na uwi ko dito sa atin, baka di ko na muna gamitin ito kung di ko sigurado yung lugar na pagpaparadahan ko. gamit na lang muna ako nung pang harabas. hehehe

  16. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #16
    Quote Originally Posted by rmnl View Post
    Sir Ronki, nakita ko yung website ni Car Magic, subukan ko mag inquire sa kanila within this week, salamat po sa info
    Car Magic ba yun parang touch up pen?

    May ganyan yun barkada ko, pure bullshit lang sir. Ingat kayo sa ganyan.

  17. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    14
    #17
    Quote Originally Posted by Starex_Gold View Post
    Car Magic ba yun parang touch up pen?

    May ganyan yun barkada ko, pure bullshit lang sir. Ingat kayo sa ganyan.
    Nope bro, Car Magic Auto painting po yung nirefer ni boss Ronki.

  18. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    6
    #18
    SLICK2SHINE's WASHOVER PROMO(with FREE INTERIOR, ENGINE and GLASS DETAILING)
    - Anzahl / K92 Paint
    - Approximately 2 weeks to finish
    - with WARRANTY
    - OUTER SHELL ONLY
    INCLUDES REMOVAL OF:
    - Headlights, Backlights, Fender Lights, Signal Lights, Tail Lights
    - Door Handles
    - Side Mirrors
    - Door Mouldings
    - 23k – 25k – UP(Depends on the condition of the car / if some panel needs body repair)
    *ADD 8k for STRIP TO METAL

    “Affordable but quality paint job” Why settle for more expensive shops that’s just using same materials and labor?

    *Our advantages to other lower/cheaper car paint shops:
    - SHOP IS INSIDE A SECURED VILLAGE (with Security Guard 24/7) and SECURED GARAGE (Employees are STAY-IN)
    - We remove the following; Headlights, Backlights, Fender Lights, Signal Lights, Tail Lights, Door Handles, Side Mirrors, Door Mouldings and etc.
    - “WALANG DAYA” Anzahl / K92 Paint will be used until the end of the paint job, unlike the others.

    Text or call 09065787212 / 09425658878. TIA!
    Last edited by sliq2shine; January 20th, 2013 at 09:31 AM. Reason: modify

  19. Join Date
    Apr 2013
    Posts
    27
    #19
    I was cruising along Agham Rd in Qc from Trinoma may bumato ng putik sa less than a month Montero ko may konting scratch went back to Ziebart and hindi na raw kaya alisin scratch. Mababaw lang pero it depresses me pag nakikita ko. Di ko alam kung bitter ba yung mga tao na yun at ganun sila ginagawa nila yung mga bagay na yun.

    Mga half inch yung gasgas pano kaya ito aayusin? Any suggestions. I just want to correct it and forget the bad expirience. Pag nakikita ko naalala ko yung nangyari. Wag na kyo dadaan dun!

    Thanks

Question about hilamos