New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 19 of 19

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    936
    #1
    Grabe ah, galit na galit tumira niyan.

    Wala daw bang CCTV footage?

    Ang naiisip kong option diyan sir
    -parepaint kung ano lang yung panels na damaged
    -washover na talaga

    pwede naman siguro idaan sa insurance to sir.

  2. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    14
    #2
    Quote Originally Posted by ronki View Post
    Grabe ah, galit na galit tumira niyan.

    Wala daw bang CCTV footage?

    Ang naiisip kong option diyan sir
    -parepaint kung ano lang yung panels na damaged
    -washover na talaga

    pwede naman siguro idaan sa insurance to sir.
    Naku sir masaklap wala pong CCTV dun sa venue. inasahan lang namin yung nagbabantay ng parking knowing na yung sasakyan namin eh nasa mismong tapat lang nya, and sya na sa pinaka bungad. kailangan lang talaga kaming sumilip sa loob ng venue para makita yung place.

    Wala po itong Comprehensive insurance eh, kasi bihira ko lang talaga gamitin parang one month a year lang. Kung sana meron po kayong kakilalang kayang mag paint dun mismo sa may tama lang, mas ok po. Worry ko lang po kasi baka di magpantay.

    Lahat po ng nakakita nung gasgas ganyan din po sabi. GALIT NA GALIT daw po gumawa.

  3. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    936
    #3
    Ang alam ko lang gumagawa ng ganyan eh Car Magic, na feature na siya sa ilang tv shows pero I can't guarantee kasi hindi ko pa naman na try personally, pero naging kaibigan ko yung daughter ng may ari

    Try niyo po i-google and baka may feedback...ang problema kasi diyan pag di nakuha yung kulay eh mag ma-mapa yan.

  4. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    70
    #4
    Claim mo na lang sa insurance kung meron ka. Pede yan sa vandalism para isang participation lang.

  5. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #5
    Pahilamos mo nalang brad. Claim mo sa insurance under vandalism. Nangyari na sa Optra ko yan, light lang kasi mga bata yun gumuhit, mga walanghiya ginawang blackboard yun Optra ko

    BTW, sobrang gago nung gumawa niyan 'no. Kung ako nasa sitwasyon mo siguro may kalalagyan yung gumawa niyan pag nalaman na kung sino. Lilipat ko sa mukha niya yan mga gasgas ng oto mo ser.

Question about hilamos