Mga sir hingi sana ako ng tulong, ung cage kasing gamit ko Toyota Hilux 2007, eh dinala ko sa casa, para maremedyohan yung nabanggang parte sa driver side, ang problema pagkatapos ma repair, ok na sana, nung gamitin ko isang araw na umulan lumabo ang windshield akala ko sa wiper lang hindi pala ( overspray po ata tawag dun ), tapus kinapa ko ung windshield maraming parang alikabok na pinturang kumapit na hindi kita ng mata, so dinala ko dun sa casa para sabihin sa kanila, ginawa nila ay buffing lang at car wax, kaya lang ganun parin kahit na pinalitan ko na siya ng bagong wiper, kapag umuulan ang labo talaga. . . . .


meron ba kayong marerekomendang solution para mawala ung labo ng wishshield mahirap kasi talagang maka kita kapag umuulan lalo na kapag gabi. . . .


first time kong gumawa ng thread dito sa tsikot, kung mali po nalagyan kong sectiong palipat lang po mga mods


salamat ng marami Tag Cloud drivering Tag Cloud driver