Quote Originally Posted by mada View Post
pasinsya na diko na basa lahat. newbie here. may tanong lang... ako when do we apply QD? after mag wax or before or wash the car then wax then a week later wash car then QD nalang? kakalito diko pa kasi na try to.
Sir ang QD po pang quick "touch-ups" lang if you want to remove light dust and very light na dumi sa kotse.. Pwedeng pwede ito gamitin kapag:

1. AFTER waxing (wag po before ka mag-wax, dahil depende sa QD, maaaring hindi mag-bond ng maigi ang wax sa paint ng oto mo). After waxing nyo po gamitin para ma-enhance ang wax mo.

2. AFTER washing (pwede rin po ito kapag tinatamad kayo mag wax tulad ko hehe, o kaya para lang sa maintenance ng paint).

3. Pang-tanggal ng poopoo ng mga ibon safely sa paint. Kapag nakita niyo po na may poopoo ang ibon sa paint nyo, spray-an nyo agad ng QD tapos after mga 10 seconds, wipe it off. Kapag po kasi di niyo ginamitan ng QD tapos punas-punasan lang hanggang matanggal yung poopoo, malaki ang tendency na magkaron ng light scratches yung paint.

QD is basically a wax enhancer and a lubricant..