New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 2 of 2
  1. Join Date
    Dec 2007
    Posts
    366
    #1
    heads up!

    mga sir naghanap kasi ako ng air con shops na pwede maglinis ng sasakyan ko revo sr (03) 6 years na kasing hindi napapalinisan or nabubuksan yung air con nun.. so nagbasa basa muna ako dito eh hindi ko naman alam kung saan yung mga yun so nagtanong ako sa mga kaibigan ko in cavite meron daw dun APP air con shop so pinuntahan namen and nag inquire kung magkano palinis etc.. sabi samen pag single 900 tapos pag dual 1500 wow ang mura pero di muna ako nagpalinis humingi muna ako feedback sa mga taga dun na kakilala ko at ayun nga maganda ang feedback and yesterday nagpalinis na nga ako took about 2 hours or more not sure as in linis talaga lahat pati yung oil sa compressor pinalitan. aside dun sa pressurized water eh ginamitan pa ng tooth brush yung maliliit na parts ng ac ko.. after that Good as new ang itsura! and after naibalik ang lahat we tested it for a few minutes to check for leaks etc.. grabe ang lamig! saka saglit lang malamig na. . best thing about it is hindi sila kagaya ng ibang shop na minsan may sumosobrang turnilyo.

    i just paid 1,500 for the cleaning , oil for compressor and refill of freon 134.

    btw, di ako pamilyar dun sa lugar pero siya yung road papuntang binakayan bale from aguinaldo high way right kayo dun sa sm bacoor then deretsohin niyo lang yung high way na yun yung shop ay nasa bandang kaliwa lagpas pa ng shell gas station yun..


    lastly hindi ako connected sa shop.. hehe im just a regular customer na natuwa sa trabaho nila kaya shinare ko lang and i live in taguig kaya dinayo ko talaga itong shop na ito.

  2. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #2
    linis lang ito? walang palit na parts normal price lang siya

Sing Galing Pero Di Sing Mahal.....