New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 8 of 8
  1. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    105
    #1
    magandang araw po sa inyo. ako po ay isang newbie at mayroon ilang katanungan. Nagpalit po ako ng radiator na aking sasakyan(06 civic) dahil sa akoy nabangga. Makalipas ang ilang araw aking tinignan ang aking bagong radiator. Napansin kong mainit ang makina. Matapos ang ilang minutong pagmamasid napansin kong d gumagana ang rad fan ngunit gumagana naman kapag na ka aircon. Hinwakan ko ang upper radiator hose at napansin kung itoy napaka init. Sinubukan kong hawakan ang lower radiator hose at napansin ko ngang hindi ito umiinit. Naghintay ako ng 10 minuto pero hindi pa rin umiinit ang lower radiator hose. ano po kaya ang problema ng aking sasakyan?

    Maraming salamat po sa inyong mga kasagutan.

  2. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    566
    #2
    nag-overheat ba ang sasakyan mo? nasaan ang needle during that time na hinahawakan mo ang lower at upper hose? usually rad fan automatically turns on/off with the certain temp.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #3
    hmmm..... thermostat not opening properly?

  4. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #4
    oo nga po, saan yung needle yung hinawakan mo yung mga hose? overheat ba yung sasakyan? medyo hindi po clear yung pagkadescribe niyo.

    OT: makatang makata yung TS hihihi

  5. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,704
    #5
    Mainit ang makina? So... mainit as in mainit hawakan or tumataas ang temperature gauge? Normal naman na hindi naman magbubukas ang thermostat at auxilliary fan kung naka-stop at naka-idle lang ang kotse. Mga ibang sasakyan nga, yung main fan hindi nagbubukas for long periods of time.

    Kung di tumataas yung temperature gauge, no problem.

    Ang pagbalik ng comeback...

  6. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    502
    #6
    napaka lalim ng mga binitiwan mong kataga kapatid...sapagkat datapwat subalit ngunit...

    wala lang may masabi lang

  7. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    341
    #7
    sinubukan ko na rin mag-matyag kung gumagana ang radiator fan ko habang

    naka-antabay lang ang sasakyan, akala ko ito ay may sira pero may

    katagalan lang pala bago ito umikot.

  8. Join Date
    Nov 2003
    Posts
    3,849
    #8
    looks like you need both the thermostat and thermoswitch replaced. shouldn't be too hard of a job.

radiator inquiry