magandang araw po sa inyo. ako po ay isang newbie at mayroon ilang katanungan. Nagpalit po ako ng radiator na aking sasakyan(06 civic) dahil sa akoy nabangga. Makalipas ang ilang araw aking tinignan ang aking bagong radiator. Napansin kong mainit ang makina. Matapos ang ilang minutong pagmamasid napansin kong d gumagana ang rad fan ngunit gumagana naman kapag na ka aircon. Hinwakan ko ang upper radiator hose at napansin kung itoy napaka init. Sinubukan kong hawakan ang lower radiator hose at napansin ko ngang hindi ito umiinit. Naghintay ako ng 10 minuto pero hindi pa rin umiinit ang lower radiator hose. ano po kaya ang problema ng aking sasakyan?
Maraming salamat po sa inyong mga kasagutan.


Reply With Quote

