New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 15
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #1
    My Car is Honda Civic LXi

    I notice na masyadong matagal umandar yung fan more than 5 mins. may usok na yung radiator hindi pa sya umaandar pero yung thermo reading ok naman nasa normal level sya.

    Here is my question.

    1. May interval ba per minute yung andar nang fan kasi daw automatic?

    2. If u reach a specific temp. saka lang sya aandar then stop kaagad pag bumaba?

    3. Ganun ba talaga kabilis umandar yun parang wala pang 10 sec. patay kaagad?

    4. Ok lang ba na patanggal ko yung automatic nya pag bukas nang aircon bukas na din yung fan or lagi na lang syang bukas?

    wat do u think guys. paki sagot naman ang mga tanong ko naguguluhan na ako sa car ko bwisit.

    lumalagpas kasi sa normal level yung temp. nang thermostat eh then after few seconds babalik sa normal temp.

    Paki sagot naman para mapagawa ko kaagad lung may sira electrical nung radiator fan ko.

    Thanks guys.

  2. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    113
    #2
    clavel,

    baka mahina na yung auxillary fan motor mo, kaya tumataas ang temperature mo. please have it checked. kahit umiikot di mo sure kung normal ang binibigay niyang fan speed.

    I replaced mine with a japan surplus fan motor sa Evangelista, Bangkal. Mga less than 1k din yun ata...

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #3
    #1 is wrong, #2 is correct. the fan is controlled by the thermoswitch, there is no timer.

    #3, e kung bumaba na yung temp mag-off talaga sya. sa car ko ganyan din, aandar ang auxilliary fan short lang, pero di naman 10 seconds. mga 1 minute andar nya bago mag-OFF. baka adjustable yung temperature setting ng thermo-switch ng car mo, pwede mo lakihan ang ON-OFF interval para mas matagal ang andar.

    #4, ok lang kung gusto mo madali masira. the more it runs the faster the carbon brush will get used up. isa pa, medyo tatagal ang warm up time mo.

    kung normal naman ang temp wala ka dapat i-worry. sabi mo naman pag lampas sa normal yung temp aandar yung fan tapos balik na agad sa normal e.

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #4
    Originally posted by yebo


    #3, e kung bumaba na yung temp mag-off talaga sya. sa car ko ganyan din, aandar ang auxilliary fan short lang, pero di naman 10 seconds. mga 1 minute andar nya bago mag-OFF. baka adjustable yung temperature setting ng thermo-switch ng car mo, pwede mo lakihan ang ON-OFF interval para mas matagal ang andar.

    Thanks Sir Yebo.

    I'll try pa check sa electrical shop kung pwede pagawa yun.

    Pero this past few days normal nanaman sya hindi sya lumalagpas sa normal level.

    Kaso i've notice ngayon na may tulo dun sa may drain plug nya. Dun sa under the drain plug may maliit na butas may tulo nang kunting kunti saka nabawas kaagad yung nilagay kung tubig kagabi.

    Ano ba purpose nung butas na yun sa ilalim nang drain plug? Pwede ko ba syang barahan na lang nang vulca seal or sealant water proof?

    Or naloose thread na yung plug kasi nagdrain ako kagabi palit tubig na may kasamang caltex coolant kaya parang loose sya kaya may lumalabas na tubig dun sa butas.

    Thanks. Kindly advise na lang po

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #5
    di mo lang siguro nahigpitan ng husto. try mo tighten ng kaunti pa.

    yung "plug" ay yung may wing nut ba? dun talaga ang drain ng radiator. when you drained tinanggal mo yung buong "plug" ano? yung "plug" ay 2-piece, yung labas na may hex nut saka yung inner part na may wing nut. valve yun actually, hindi lang siya plug. yung butas ang outlet nya talaga. think of it as a bolt with a hole through the center and also a hole on the side. pag niluwagan mo yung wing nut, ma-open yung hole sa side at mag-drain yung tubig dun sa center hole. so kaya tumutulo e maluwag po siya, parang faucet na hindi nasara ng maayos.

    note: most of those drain valves ay baliktad ang ikot so instead na turn clockwise to close e open pala yun. experiment mo na lang. in this case baka nung pinihit mo yung wing nut para i-open (turning anti-clockwise) thinking na paluwag yun e natanggal tuloy yung buong valve. tapos nung binalik mo na sya (turning clockwise), lumuwag naman yung wing nut kaya nag-open yung valve. nakakalito ano, hehehe! i bet ito nangyari kaya tumutulo siya ngayon hehehe!

  6. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #6
    Originally posted by yebo
    di mo lang siguro nahigpitan ng husto. try mo tighten ng kaunti pa.

    yung "plug" ay yung may wing nut ba? dun talaga ang drain ng radiator. when you drained tinanggal mo yung buong "plug" ano?

    note: most of those drain valves ay baliktad ang ikot so instead na turn clockwise to close e open pala yun. experiment mo na lang. in this case baka nung pinihit mo yung wing nut para i-open (turning anti-clockwise) thinking na paluwag yun e natanggal tuloy yung buong valve. tapos nung binalik mo na sya (turning clockwise), lumuwag naman yung wing nut kaya nag-open yung valve. nakakalito ano, hehehe! i bet ito nangyari kaya tumutulo siya ngayon hehehe!
    Tinanggal ko nga sya nang buo. hehehehe.

    Hindi ba dapat tanggalin dun sa may butas dadaan yung tubig ah ganun pala yun. Tangek. Grabe!!! :drool:

    Sige try ko ulit. Bwisit sayang yung coolant na nilagay ko sahurin ko na lang ulit sayang. hehehehe

  7. #7
    you either have a faulty ECT (engine coolant temperature) switch or a faulty fan motor. There is also a relay driving the dc motor so this can also be the culprit. Anyway you are on the right track with the suggestions of yebo

  8. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    162
    #8
    Try mong ikick iyung fan kapag ayaw umikot. then pag umikot, ibig sabihin palitan na iyung carbon crush mo. mas mura kapag iyun lang ang papalitan. it will cost you less than 200 lang. Hindi na kasi kayang ikick iyung armature kaya, may time na hindi siya tatakbo kahit mataas na ang thermostat temperature. pero kapag natiyempuhan, iikot pa rin. intermittent in other words.

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #9
    Saan kaya magaling gumawa nito sa banaue?

    Doon kasi ako malapit. Mukha ngang intermittent ang pag andar nang fan.

    Sinubukan ko na ikick pero hindi din andar.

    unusual nga ang andar nang fan eh.

    Padavise naman saan magaling gumawa. Thanks.

  10. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    162
    #10
    Kahit saan small shops gumagawa niyan. basta unahan mo lang na papalitan mo iyung carbon brush kasi pudpod na at linisan na rin. kasi ang unang suggestion palitan mo iyung boung fan which is very costly. sa akin kasi noon, with my corolla gli, sa may shop sa makati ko pinagawa. The shop name is GNL.

    btw, kahit i-kick mo iyan kung hindi pa triggered ng thermostat hindi rin tatakbo meaning hindi pa siya above temperature. basta alam mong intermittent ang takbo ng fan, most probably the culprit is the carbon brush, napupodpod kasi iyon at nai-embak iyung carbon residue sa loob.

Page 1 of 2 12 LastLast
Radiator Fan Inquiry...