Automatic climate control iyan yung numbers ay ibig sabihin kung ilang degrees celsius mo gusto ang cabin temp.

27 degrees celsius is kinda high. Dito sa bahay usually 24 degrees ang aircon.

Kapag nawawala ang lamig sa traffic, malamang sa condenser nga yun. Either dirty siya or sira ang fan para sa condenser.

Isa pang possibility ay nagyeyelo ang mga linya mo. Kapag nag-freeze, walang coolant movement at walang cooling na mangyayari. Ganito yung sa Pajero namin dati. Ang ginagawa ko para wala ang pagiging frozen ay binababa ko ng todo ang thermostat (sa hottest setting) tapos tinotodo ko muna ang fan. After a few minutes of thawing, balik sa dating setting and malamig na siya.

R12 cools better than R134. Kaya lang tayo gumamagami ng R134 ay dahil sa environmental concerns.