Pareho din po yung problem ng 2001 EK namin. Hindi ko lang alam sa TS kung bumubga ng hangin ung aircon system nila kahit patay sindi ung compressor. Samin kasi walang hangin sa vents at all. Pero malamig naman ung tubo ng aircon pag nag on ito.
Pag i-on ko ang aircon hindi agad nag sstart ung aircon at kung magstart man patay sindi ung aircon.
Malamig naman at malakas yung buga ng hangin pag naka bukas ung aircon, hindi lang tumatagal na naka bukas ung aircon at minsan napapansin ko na nag start lang ang aircon pag naka bukas yung blower fan sa radiator.
Mga magkano kaya yung relay for magnetic clutch or yung magnetic clutch mismo, refill ng freon at magkano estimated labor fee?