
Originally Posted by
karlos
Mga sirs patulong naman po sa problema ng a/c ng car ko. Dinala ko po sa a/c shop ang car ko kasi walang lamig at sinabi ko patay ang compressor pero minsan gagana kung ginagalaw ko yung relay ng a/c. ang sabi ng technician, kulang sa freon at may leaks sa tubo at sabi nya hindi dahil sa relay kundi dahil walang freon kaya yung presuure switch, hindi gumagana. so ang ginawa, nilagyan ng freon at pinalitan ang o-ring. after that po, gumana naman po at malamig naman. after few days, ayaw na namang umandar yung compressor, so binalik ko sa shop. This time, sinabi sira ang relay, so pinalitan nga then gumana naman. After a day uli, ayaw na naman so ibinalik ko uli, then this time sinabi na sira yung pressure switch. Posible po kaya talaga na yun ang problema? hindi po ba ma check if sira talaga pressure switch kasi parang trial and error lang nangyayari. If palitan po, normally magkano po kaya yung part na yun?
Quote po kasi sa akin 1400 parts lang. Nissan exalta po 2002 ang car po.
marami pong salamat.