TIP lang po:Noon bumili ako ng new thremostat, nilubog ko ito sa kumukulong tubig side by side the old thermostat. Bumuka pareho, pero mas malaki ang opening ng new thermostat at mas mabilis yung pagbuka. So hindi ibig sabihin na pag nagopen ang thermostat ay ok na. Kailangan within specs pa rin ang temp when it opens at yung gap ng opening.
Isa rin sa sintoma ng cynlinder head gasket ay kung laging nakikita mo na kumukulo ang tubig sa water reservoir kahit pa ito may coolant, makikita mo ito pag pinatakbo mo na ang makina at mainit na mainit na ito . Ang presyo ng cylinder head gasket ay around 1,500 to 2,000.
sa akin, kakareplace ko lang ng cylinder head gasket...
naging overheating yung oto, sobra, wag na wag kang mastoplight kundi yari na sya.
ubos ang tubig sa resevoir. pagbukas ng radiator cap, bumulwak ang tubig. pinuno ulit tapos idle lang. bumubula yung tubig coming from the inside of the radiator. pag nirev mo naman, parang hinigop yung tubig kasi bababa yung water level. pag nag-idle ka ulit bumubula ulit kaso bawas na yung tubig... tingin sa tambutso, may traces ng tubig...
bukas ng makina, kita yun gasket... sira na nga sya...
when you remove the headgasket talagang sira na sya (unless metal sya) since you are peeling it apart. when replacing the gasket because of overheating problems it is always best to have a hydrotest done to assure no cracks of the head, and also have the machine shop check if di pa nagwarp yung head mismo... if it is warped, kahit ano ilagay mo na gasket, di parin nya mase-seal yung head sa block.
kapag may bula na lumalabas sa tubig ng radiator malamang na cylinder head gasket na nga iyan...pa check mo rin kung may tumagas na tubig mula sa radiator at sa water pump mo....check mo rin yung fan....baka nga mahina na ikot...bili ka na rin ng b/new na themostat at radiator cap...avoid using tap water, use distilled water instead...
hey guys, tingin ko nakita kona prob ng auto ko, yung thermal switch ata ng radiator fan, although nag automatic sya ng andar, madali sya mamamatay, andar lang sandali (mga 5 sec) then off na., ni try ko i shorted aux fan, inde na ganun kainit ang hose ng radiator ko. dati kasi ni inde ko mahawakan yung hose from radiator to makina.