yan ang isa sa mga naging troma namin sa mga cars namin. once na nagalaw na yung aircon system, lagi ng nagkakaproblem. 4 cars na namin ang me tinanggal/kabit sa aircon system dahil sa me nasira or pinalinis lang, pare-pareho ng nagkakaproblem afterwards. magkakaibang shops ang gumawa kaya di rin namin masabing hindi marunong yung gumawa. kaya ayun binenta na lang. the most recent e yung crv (pero di pa binebenta). ayaw lumamig kapag tanghaling tapat, sabi ng shop palitan lang yung drier and linisin yung evaporator, lumamig nga. after a few months, ganun na naman ulit.