sa ibang kotse masisilip mo naman ang evaporator under the dash sa likod ng glove box kung madumi na. (Set mo lang sa Recirculation mode) makikita mo naman kung maputik na o hindi. Parang aircon din sa bahay. Pag inalis mo yung mukha at filter makikita mo pag madumi na. Minsan sa sobrang dumi
nagyeyelo pa nga hindi ba? Tingin ko sa kotse ganon din dahil sa akin, before ko pinalinis madaming tumatagas na tubig after ko pataying ang kotse.


One more thing, pag madumi daw ang evaporator mas hirap ang aircon kaya mas may chance daw na mawala ang freon(may tawag sila eh). pero hindi necesarily na may singaw ang linya mo ng freon. Eto sabi sa akin ng aircon mechanic ko. Napatunayan nya naman ito twice. Kaya malaki din natitipid ko hehehehe