Medyo naranasan ko ngayon yung AC problem to my 6 year old car.
Had my compressor replaced last january. Bought oem compressor online for 14k. Pina install ko sa shop. After 2 weeks medyo nawala lamig, so dagdag freon. Tapos 2 weeks ulit nawala na naman so dagdag ulit freon. Yun pala may maluwag na nut sa compressor kaya may tagas na langis. Tapos biglang nag release ng freon kasi nag high pressure.
Pina check ko sa isang ac shop ang sabi baka daw hindi masyado nalinis yung ac system kaya they suggested na linisin ulit at palitan agad yung compressor kahit kakabili ko lang. Baka daw may damage na yung compressor kasi nag release na ng langis. 28k yung charge nila for the cleaning and brand new compressor!
Naghanap ako ibang shop sabi naman ok pa yung takbo ng compressor. Nilinis lang ulit yung condenser at evaporator. So far ok naman. Sana hindi na ulit magka problem.