New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    936
    #1
    Mga idol tanong lang, ano kaya problema nito?

    Bagong palit fan belt, nung tinesting ko, binuksan ko aircon, wala na tunog, so ok na.

    Ngayon nagamit ulet yung auto, bukas aircon, may mga instances na:
    -Kumabig ako, tumutunog siya.
    -Pag naka stop ka, bumaba idle, tutunog siya.

    Pag pinatay ko aircon, nawawala na siya...
    Pansin ko din, nung hinigpitan yung belt, hindi sakto yung bolt dun sa dating pwesto, may marka kasi yun diba, mas malapit siya, dahil siguro hindi pa nababatak yung bagong belt.

    Higpit lang ba ulet o bearing na yung sira? Mga magkano po kaya gastos dito, saka san pwede pagawa?

    Naisugod ko kasi sa baha dati ng bukas yung aircon...

    Salamat!

  2. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,781
    #2
    pa back-job mo na lang, bagong palit naman yan. baka mali ung tension ng fan belt kaya umingay ulit.

  3. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    936
    #3
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    pa back-job mo na lang, bagong palit naman yan. baka mali ung tension ng fan belt kaya umingay ulit.
    Tinext ko na sir, pero try ko din higpitan magisa, hehe...tinuro naman sakin pano ginawa.

    Ito iniisip ko eh...

    "Pansin ko din, nung hinigpitan yung belt, hindi sakto yung bolt dun sa dating pwesto, may marka kasi yun diba, mas malapit siya, dahil siguro hindi pa nababatak yung bagong belt. "

    Ano ba dapat tamang higpit ng belt? Yung wala na siyang laro? Kasi yung ngayon onti na lang laro niya pero hindi niya naabot yung dating marka dun sa adjuster ng alternator.

  4. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    25,041
    #4
    Quote Originally Posted by ronki View Post
    Tinext ko na sir, pero try ko din higpitan magisa, hehe...tinuro naman sakin pano ginawa.

    Ito iniisip ko eh...

    "Pansin ko din, nung hinigpitan yung belt, hindi sakto yung bolt dun sa dating pwesto, may marka kasi yun diba, mas malapit siya, dahil siguro hindi pa nababatak yung bagong belt. "

    Ano ba dapat tamang higpit ng belt? Yung wala na siyang laro? Kasi yung ngayon onti na lang laro niya pero hindi niya naabot yung dating marka dun sa adjuster ng alternator.
    Mga 3/4 of an inch ang play dapat ng belt. Bago kasi, luluwang naman ng kusa yan.

  5. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    936
    #5
    Quote Originally Posted by Ry_Tower View Post
    Mga 3/4 of an inch ang play dapat ng belt. Bago kasi, luluwang naman ng kusa yan.
    Napanood ko sa youtube na dapat hanggang 90 degrees lang yung turn ng belt para malaman na mahigpit na siya, pero dapat sa longest part ng belt between the bearings/pulleys, kaso diko maabot yung sa likod, sikip kasi ng area nun sa vios hehe. Pero try ko higpitan pa konti then check ko.

Tags for this Thread

Bagong fan belt, pero may squeaking sounds padin.