Good Day mga fellow tsikoteers,

I have an A/C problem. To begin with, My ride is a Honda civic vti-s 2004.

January, Dinala ko sa CASA for aircon general cleaning.

Last week, Along Macapagal Blvd, bumper to bumber traffic, bigla na lang nawala ung lamig, hangin na lang lumalabas sa vents. Things i noticed, tumaas yung idling at ung compressor nag disengage. Pinatay ko muna ung A/C tapos nung buhos na, i-on ko A/C ok na ulit hanngang bahay malamig siya.

The following morning byahe kame ng Batangas, via SLEX-STARTOLL-Batangas, 70% highway and 30% City Driving. Hindi naman nagloko whatsoever ang aircon.

Monday, on my way home from work, bumper to bumber traffic na naman. Same thing happened, Mataas na idling at Disengage ang compressor. Pag Lagpas ng Domestic Road balik ulit yung lamig all the way pauwi. 55% Highway 45% City Driving. Mula Noon hindi ko muna ginamit tsikot.

Saturday, Dinala ko sa Ceejays at pa diagnose, Sabi Magnetic clutch daw or pulley assembly. Php8800 ang cost, pag pinaayos ko na daw ang discount. Sabi niya obserbahan ko muna daw, nilagay niya yung thermostat sa kalahati.

Mga sirs Magnetic clutch ba or Possibly Pulley assembly ang sira? Kung ang observations ko ay tumataas na idling at disengage ang compressor pag bumper to bumper traffic. Isa pang observation ko ay mabilis ang interval niya ng pag switch ng aux fan, mga 15 to 20 sec takbo na ulit siya kahit normal driving conditions. Salamat!