mga sir, my aircon control seems to be having problems... my car is a 95 honda civic esi, and just a couple of days ago, bigla nalang ayaw na gumana ng 1 and 2 level ng aircon. when i put them on either 1 and 2, gumagana nman yung condenser fan, pero walang lumalabas na hangin. when i put the lever on 3 and 4, normal operation naman. ano po kaya sira nito? gusto ko sana maayos agad kasi masyado kasi malakas yung 3 for daily use, lalo na pag gabi yung byahe.. thanks in advance..
palitan mo na resistor block mo busted na yan,kaya mo ng dukutin yan malimit sa casing ng evap sa likod ng compartment sa passenger seat nakapwesto yan. dalawang screw lang yan. dalawang coil ang itsura nyan na nagbabaga pag ginagamit mo yung fan mo. ang nangyayari naka high na lang ang fan mo kasi yung dalawa coil pareho ng open circuit kailangan magkaroon ng voltage drop para magkaroon ka ng low at medium fan.