Guys, tanong ko lang kasi nag-aalala lang ako. Yung aircon ko napa-ayos ko and Ok na siya. Malamig na siya compare nung una. But the problem is,
bakit po kaya walang tubig na-lumalabas kapag pinapatay ko na yung aircon ko? Kasi nakikita ko usually sa mga car na naka-park once na pinatay ang aircon tumutulo yung tubig sa akin wala. Sa loob naman ng car ko may mga patak-patak na tumutulo. Ini-isip ko lang baka kasi may bad effect iyon sa aircon ko eh magka-problema na naman ako.
Isa pa po. Ano po kaya problema, kasi yung lamig ng aircon ko kapag tumatama sa balat ko eh mahapdi dahil sa lamig. But after na mag-automatic siya parang ang bilis mawala ng lamig sa loob ng kotse. Ano po kaya reason kung bakit ganun kabilis mawala yung lamig sa loob ng kotse ko. Pakiramdam ko hindi nakukulong yung lamig ng aircon ko sa kotse.
Hope for your help and advice thanks.




Reply With Quote

