Hi Guru's,

Need ko po ulit ng expert advise ninyo,
Pina-tingin ko po kasi ang zz ko netong weekend, sabi nung tumingin, baka daw marumi ang aircon ko, nag-palit kasi ako compressor last november at netong february lang naramdaman na hindi kaya yung init kapag tanghali, baka daw hindi nilinis, nilalagyan pa daw chemical to kapag nililinis? Tama po ba yun?

Sobrang lamig padin siya minsan sa gabi at umaga, sa tanghali talaga parang ang kunti lang nang lamig, pero may mafeel ka pero kunti lang talaga, kung meron man daw leak ay maliit lang, at okay naman daw ung compressor ko, ano tingin ninyo guys? For the quick fix eh nag-add ng freon, ayon malamig po siya, pero sabi nung naglagay eh kunti lang daw nilagay niya at kita naman daw na hindi siya ubos kasi lumalamig pa nga siya

Tanong ko lang guys, meron bang shop na may electronic detect kung may leak nga, may free po ba? Kung wala po may idea kayo kung magkano?