Guys update ko lang kayo. Kakalabas lang ng sasakyan kanina sa casa. Nung tuesday tinawagan ko sila, tinanong ko kung anong nakita. Sabi ng SA, "sir, san mo ba pinapark yung sasakyan?" Sabi ko, "sa labas ng bahay." Then the SA said, "marami kaming nakita na dahon sa may aircon vent sa may wiper eh, maraming dumi." Tapos he blurted out suddenly, "sir tinanggal namin yung California Scents, yun kasi nagpalala ng amoy, naghalo-halo sila ng dati mong Ambi Pur." Dun pa lang takang-taka na ako, kasi it took a month or so na hindi ako gumamit ng pabango sa kotse at naglagay ako ng California Scents. Then our driver picked it up kanina, the SA now blames the car freshener for the bad odor. His reason: "tinignan na namin lahat ng components, walag sira. Naghalu-halo yung amoy ng Ambi Pur dati at yung California Scents kaya nagkaroon ng amoy yung aircon. Hindi ko na i-baback job ito pag nangamoy ulit." Nalaman ng dad ko and he scolded me big time, blaming me for the bad odor emitted by the a/c because of car fresheners I put.