Ang problem ko sa wipers, masyadong madiin siguro kaya nag-iinit yung windshield. Tapos, dahil malamig ang loob ng sasakyan dahil sa aircon, nagkakaroon ng frosting sa labas dahil nga sa friction gawa ng hagod ng wipers. Ito ay nangyayari kapag maulan at kailangan constant wiping. Sa gabi, nakakainis makita yung frosting. Hassle sa pagmamaneho.
I'm thinking, kung may effective na rain repellent (di ko na kasi inulit yung pagpahid ng Rain-X nung napansin ko yung frosting), hindi ko na kailangan mag-wiper. No wiping = no frosting. Tinigilan ko yung Rain X sa udyok ng ilang Tsikoteers dahil nga pag nagtatagal, nagkaka-shudder ang wipers. Kaso, yun nga, dahil walang repellent (puro glass cleaner lang), kailangan gumamit ng wipers.
Parang wala ring effect yung Rain Away.
Wala bang frosting sa Rain Clear?