Originally posted by sauman V-dub chic, yung blow dryer ginagamit ng mga nag-iinstall ng tint pag full tint ang ikakabit sa windshield meaning walang putol yung tint na ikakabit, ginagamit nila ito para maihulma at lumapat yung mga sides ng tint sa windshield para na rin maiwasan ang bula. Hindi ginagamit ang dryer sa pag tanggal ng tint, applicable itong dryer pag yung tatanggalin mong sticker e nasa labas ng windshield (ie. conductor sticker) pero pag LTO registration sticker (nasa loob ito ng windshield) ang iyong tatanggalin at may tint ka sa harap na windshield maaring ngang masira yung tint.