bluesman, verify mo mabuti sa insurance mo kung talagang 2k participation lang ang babayaran mo sa windshield mo. alam ko pag more than 4yrs na ang car meron ka ng percentage na babayaran sa cost ng parts besides the participation. yung isang friend ko kasi naka 96 civic din at me bangga. pinarepair nya sa honda casa, knowing na participation lang ang babayaran nya, pinapalit nya buo yung bumper kahit maliit lang ang sira. nung na-bill na sya 20k ang binayaran nya.

yung windshield repair hindi rin tumatagal. nagka-crack starex namin dati pinarepair ko lang, after a yr humaba rin yung crack. ayun, nagpapalit din ako ng windshield. nasayang lang yung 2500 na binayad ko sa repair, sana pinang bayad ko nalang sa participation sa insurance.

ngayon ko lang napansin, parang me kamalasan ata ako sa windshield.

yung crv namin, natamaan ng bato, mga last yr ata. 30+ thou, pero insured naman.

last week lang, pinapalit ko din windshield ng patrol namin, natamaan din ng bato. 52k!

a few years ago, drive ko corona ng wife ko na gf ko palang nun. di ko alam kung bakit biglang nag shatter yung windshield, tempered glass pa naman. buti hindi bumuhus agad yung mga maliliit na glass. pinalipat ko agad sa likod wife ko, ayaw pa naman nyang mapeklatan.