thanks zane.
when we say crystalline series, sa anong brand po yan available?
wala po bang crystalline series ang dark tints?
di rin po ba metalize yan? mga hm po kaya price?
sa frontside ko lng ipa install ang clear but dark tint parin po sa side and back ko. plan ko palitan kasi yung tint na ininstall from casa.
3M Crystalline alam ko 30k din yun ah..
zanecrypt pag may alam ka kung saan meron color stable PM mo sa akin or post mo dito.
Wala akong mahanap na nagbebenta ng CS bukod pa sa motortown.
Sorry sa late reply, nahirapan ako maghanap ng tints, hehe. Finally I got BC 10 sa sides and BC 20 sa front and rear. Its going to take a while to get used to, pero walang makakatalo sa heat rejection ng BC talaga. I park sa open spaces, lagi akong nagwoworry sa over exposure nung HU ko! Kaya Im glad sa decision.
Crystalline is 3m. At sya ung pinkamahal sa 3m dito. I think CR70 lang ang available nun kasi nga youre buying that for the clarity. Kung dark tint sa front ang gusto mo you should really consider Color Stable. Madaming black/dark tints dyan, sa 3m fx is dark but i drove one, pamatay talaga sa gabi. Tapos may chance pa magtalong. Goodluck!
Consider mo din pala ung look ng auto mo, kasi baka hindi pantay pag super dark sa sides then super clear sa front..
Mga Sirs ask ko lang, mag papalit ako ng tint para sa car ko, ung BC35 ipa-install ko sa windshield at front windows, then ung BC20 sa likod. Since ung front windows ng car naka BC35 tapos ung rear windows BC20 hindi ba baduy tignan? Or better ba kung all BC35 na lan?
anong shop ang authorized dealer ng 3M tints? winterpine pa rin ba?
*gearspeed,
team car is along banawe cor p.florentino street.
might end up getting 3M CS series tints for my car na lang. upon research, same lang pala TSER (total solar energy reflected) nung CS series and solargard's hp supreme series. will be getting CS 5 sides and rear and then CS 20 for the windshield. makapag-inquire nga sa teamcar tomorrow.
Oo winterpine pa din kaso may bad feedback dun.Nung nagtanong ako sa winterpine para sa malaking sasakyan namin aabutin ng 12k. Compared sa iba na 8k lang.Natakot na ako simula nabasa ko yung nagpost about sa bad experience niya sa winterpine.
Sana meron sa fine choice or team car na Color stable.
Hindi ko malalaman yung team car at fine choice kundi dahil sa flyer ng 3M sa manilaautosalon.
Last edited by gearspeed; November 24th, 2013 at 03:31 PM.
*gearspeed,
ok sa teamcar. ung gumagawa ng tint dun yun yung nanalo ng 'master tintero' dati. pero sana nga may CS sila. minsan kasi BC lang or FX-ST lang meron sila eh,
^ Palagay ko dun na rin gawa mga tint kc yung mga sticker na reflectorized dun ginawa.
Posted via Tsikot Mobile App
Sir ang quote sa akin sa 3M CS
ay 3k para sa windshield ng mazda 2 lamang. More or less ganito po ba?
Posted via Tsikot Mobile App
just had our vehicle tinted, for 3M CS its 1.8k for windshield only, 5k for sides and rear only, 5.5k wrap around. this is for a toyota fx which has a average sized windshield.
maganda heat rejection niya, di ko ramdam yung init ng araw kahit nabilad ako sa araw ng 1pm kanina. CS20 pinakabit ko sides and rear, visibility is just okay for night driving.
hindi pa sir, CS5 yung darkest shade nila for color stable series. yun sana pakakabit ko kaso worry ko yung mga tanders na gagamit ng sasakyan, baka mahirapan. kasi para sa akin na 20's sakto lang yung visibility niya sa gabi. kita ko pa rin yung side mirror pati yung black na mga kotse.
Anong series ba ng 3m tint yun free sa mitsubishi?
Posted via Tsikot Mobile App
normal bang magkaroon ng super tiny bubbles? mawawala pa ba to? o ibalik ko na sa shop? andami kasi sa rear windshield. may curved hiwa pa, hula ko nagasgas nung nagkabit. badtrip.
Mga sirs. advice naman where best magpainstall ng tint 3m crystalline for my windshield?thanks
Mahirap kasi mag stock ng cs 3m kasi mahal at matutulog lang ang pera nila bihira pa ang nagpapakabit. Yung iba ang gusto mura
Posted via Tsikot Mobile App