New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    130
    #1
    Bumili ako sa Ace Hardware ng Auto Gard Rain Repellant, mumurahin lang mga P100 lang yata. Hindi sya effective! Kumakapit pa rin yung droplets ng ulan. Wala akong nakitang benefit or improvement.

    Ang pinaka-masaklap sa lahat, nag-mantsa sya sa windshield ng Innova ko. Kapag walang ulan, malinaw ang windshield. Pero pag gabi na at maulan, nag-re-reflect sya kapag tinatamaan ng headlights ng mga kasalubong na sasakyan. Hindi mo makita yung kalsada! Para syang merong film na kumapit sa salamin.

    Ilang beses ko na syang binugahan ng Polyglaze glass and grease remover, ayaw matanggal! Ilang beses na ring sinabon ng detergent ayaw pa rin. Kumapit na sya talaga dun sa windshield ko. Nakaka-irita lang kapag nag-da-drive sa gabi at maulan, nakakasilaw talaga yung reflection nung film na kumapit. Ironic nga... tinawag na rain repellant, tapos perwisyo lang binigay sakin.

    Pano kaya ito matatanggal ?????

  2. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    224
    #2
    bro, had the same problem too. 2 months back i had my Innova's windshield buffed at Big Bert's (BigBert's! Professional Detailers - Philippine's Best Car Detailing Shop). Now, everything is as good as new. Remember, pagka buff mo bili ka agad ng new wipers para makita mo kung effective.

  3. Join Date
    May 2005
    Posts
    130
    #3
    Thanks. Tiningnan ko price list nila sa buffing ng windshield, P350 tama ba yun din ba binayaran mo?

    Napamahal pa ako sa pesteng Auto Gard Rain Repellant na yan. Effective ba yung vinegar? Parang may nabasa ako dati punasan daw ng vinegar, kinakain daw nito yung rain repellant na pinahid sa windshield? Di ko pa sinubukan yun eh.

    Di ko na siguro papalitan yung wipers ko. Bago pa lang Innova ko eh. Kakaiyak na dahil lang sa P100 na Auto Gard Rain Repellant, lalong nasunog bulsa ko hehe.

  4. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    224
    #4
    Php 450 binayad ko kasi Innova car ko. 350 nila is for bantam cars lang.

    pwede mo itry vinegar. pero manhid na braso mo di pa rin makita effect. What's Php 450 for safety. Lalo na when it rains at night. ganyan innova ko dati. pag hagod ng wiper pataas malinaw. pag baba ng wiper, ayun hazy.

    pwede din ipacheck sa Bigberts kung ok pa wipers mo.

    pati windows ko nilagyan ko rin ng rainguard. kaso bumili na lang ako ng Elevo Watermark remover para ako na lang magtanggal. pero nakakangawit talagang. isipin mo driver window lang un. what if windshield pa?

Auto Gard Rain Repellant, pano tanggalin sa windshield? Hindi sya epektib !!!!!