I'm back from my P Galera trip. Sarap at mura pa! Nag-enjoy kami ng lab ko!
Anyway, as of my last trip, ito roughly ginastos namin (April 2-4, 2005):
143 per person na bus fare from Cubao to Batangas Pier
140 per person na fare sa outrigger (boat na may 100-seating capacity)
10 per person terminal fee (sa Batangas Pier)
200 (4 na kami sa 200 - one way) boat ride from Muelle to Big La Laguna
1500 per night (good for two) na superp room sa Big La Laguna (beach front, pag labas mo ng door beach na kaagad, da best ito talaga!)
1500 na boat for the entire day (morning to 5pm lang... iba na rate sa gabi)
160 per person na fare sa fastcraft (Muelle to Batangas Pier)
yung food, marami sa Small La Laguna at Sabang (walking distance lang sa Big La Laguna). Yung prices tipong mga resto sa Timog, Libis, Ortigas, or Makati. Pwede kayo mag baon like we did.
di nyo kelangan kumuha ng packaged trip na may itinerary. di naman kasi kayo maliligaw, just ask anybody na makakasalubong nyo. Tapos madali lang din mag beach hopping. dami namin napuntahan dun.
I recommend na magpa-reserve kayo ng room sa Big La Laguna. Ok yung beach kelangan mo lang talaga magsuot ng beach sandals, yung may strap, medyo rough yung ilang area. Tapos mag beach hop na lang kayo kung sawa na kayo sa beach ng Big La Laguna.