mga sir's,
ano-anong magagandang places that we can visit sa baguio aside from burham, mines view, mansion?
many thanks,
mga sir's,
ano-anong magagandang places that we can visit sa baguio aside from burham, mines view, mansion?
many thanks,
Strawberry fields maganda din. saka yung hotspring nakalimutan ko pangalan.
oo masaya sa strawberry fields, magppick ka ng strawberries dun at 100pesos per kilo...kakatuwa!...
medyo sasadyain mo pero para maiba naman. asin hot springs and tam awan village.
mansion house sarado lagi, hangang dun ka lang sa loob ng gate sa kita ng guwardya. kung wala ka nga kasama na chicks na maganda di ka papasukin ng guard ehehehe! buti na lang charming si misis pinapasok kami last summer! i think it is the only well maintained park in baguio besides the pma grounds. yun nga lang sarado.
botanical gardens (dating imelda park) pangit na, dami basura sa loob. yun lang hanga ako nung panahon ni makoy ganda ng mga gardens sa baguio, dami flowers. ngayon napabayaan na lahat. yung dating ganda ng imelda park nawala, dapat baguio dump site ang itawag nila dun kesa botanical garden sa dami ng basura sa loob. tapos don't make the mistake na magpa-picture sa may gate, kukuyugin ka ng mga igorot. kahit di mo tinawag posing sila sa tabi mo tapos hihingi ng tig-P100 ehehehehe!
burnham park? nabalitaan mo yung ginawa ng city engineers office na yung run off ng baguio city hospital sewer dun pinadaan? so kung magbo-boating ka make sure you don't fall into the lagoon, matindi pa sa meningitis abutin mo!
pero sarap ng fud sa burnham. dun ka sa mga turo-turo kumain, mura na masarap pa. masarap din dun sa resto na malapit dun kaya lang medyo mahal. wag ka mag-park sa may parking ng jeep at may tong collector dun ang baguio police mapapa-away ka.
mines view park should be renamed trash view park, basura din nasa ibaba. dati nung maliit pa ko natatandaan ko may mga igorot na nagsasayaw dun sa baba, hagis ka coins para sayaw sila. ngayon trash heap andun at wala na yung mga igorot, takot siguro makatapak ng basag na bote at kalawang na lata. saka di na siya open space, makipagsiksikan ka sa mga pasilyo ng mga shops dun, pare-pareho din naman ang tinda pati prices same.
horseback riding ok lalo may kasama kang kids. meron maliliit na pony tama sa mga bata. sakit lang sa wetpaks pag di ka marunong. ayaw ko na subukan ulit napisa jojo ko.
Sa gilid lang ng Burnham yung maraming litsong manok. Malalaki ang servings nila ng inihaw na liempo kaysa sa Andoks.Originally Posted by yebo
Get a cheap map in Baguio - not the detailed one but the one for tourists. It shows you all the attractions all over the city.
SM- ganda ng SM sa baguio. SM with a view.
walang kamatayang Camp John Hay, Session Road, and market
marami ring gimik places sa gabi- Nevada square, Pilgrim's cafe, etc
Enjoy!
yebo: oo nga sir madumi na nga sa mga park dun.
actually i've been there for 3x na kaso same places na nabanggit nyo yng napupuntahan ko at medyo laging bitin sa oras, hehe! gusto nman sana a little change.
airshaq20: sa national meron kaya? parang me nkita nga ako nyan dko lng alam kng san, heheh!
kulit: SM Baguio, i friend of mine told me nun bumaha dyan e gumuho yng mga ceiling ng SM and we did even saw pic's of it. hehe!
sa lahat ng nag-reply many thanks...
butchokuy!
parang sa cebu, meron din sa gilid-gilid na inihaw tapos me mga tables sa tabi. heheh! solve kana.