ahem...21 year old ba kamo yung nephew mo?![]()
visit www.boracay.com..si ILD nagayos ng site na yan..you can PM him baka matulungan ka niya kung pupunta kayo ng boracay..
yung 4weeks mo pwede mo ibudget sa mga places na pupuntahan..you can also ask them kung anu ba gusto nila makita/madiscover..maganda kc na looking forward sila sa mga pupuntahan niyo para for sure enjoy sila.baka may mga lugar na sa pictures lang nila nakita,maganda na makita nila un in person.
yung gawad kalinga is a good idea..bihira kc charity work sa US..ok din un na activity for tsikot outreach,sino lang mag organize?
Yaah! Don't miss out Ilocos (Vigan/Pagudpud). Pede kayo siguro mga 4-5 days dun para di kayo pagod sa byahe and ma-enjoy husto sa mga places. Tapos try nyo route pabalik Manila via Cagayan para madaanan nyo yung iba pang spots sa Eastern side ng Luzon or better yet diretso Sagada (Banaue Rice Terraces).
Off-shore travel, must try Camiguin. Andun na lahat ng hahanapin mong adventures. Hot springs, beaches, sunken cemetery, daming waterfalls. Kumpleto yung island province na ito. From there, pede kayo punta din sa Cagayan De Oro, tapos diretso Davao. Haay! Sarap bumyahe!
Landtrip kaya: Manila-Ilocos-Cagayan-Sagada-South Luzon-Bicol-Samar/Leyte-Mindanao
Sigurado ubos yung 4 weeks nyo!
about GK:
Meron dito sa ofc namin, every month sponsor kami ng event. Once pa lang ako nakasama pero very fulfilling yung experience. It's great to have this kind of activity which made me think na why not organize here sa tsikot of something like this?
Ano sa tingin nyo?
Wala bang second come! second serve! Aayy! third na pala ako!
Caravan na lang!
Last edited by vhenok; June 23rd, 2006 at 06:21 AM.
Gawad Kalinga project was suggested to open their eyes to the reality of poverty and for them to have an open heart when it comes to helping others. And why not, baka nga mag-decide pa mga yon na manatili na lang dito and continue to be in the mission.
Para sa tsikot.com naman, hmmmmmm, a GK project? hmmmmmmm, at this point? sana nga merong mga sumama.
*FXT --- mukhang may binabalak ka, bwahahahaha.
Last edited by bunge; June 23rd, 2006 at 09:06 AM.
dalin na sa jollibee yan hehe. Parang mahirap yun ganyan age. Mga gusto niyan eh mag clubbing at bar hopping. Siguro pwede rin mag beach either bora, bohol, or palawan
Wow, sarap ng bakasyon a. Si nephew, wag kalimutan ang Quezon Ave. at AFO... favorite ng mga amboys ko... kahit 1 month, di nagsasawa...
Sila nieces, Divisoria, Greenhills, Malls... basta bantayin mong di sila madukutan, saya nila nyan.
Syempre may clubbing din.
sa totoo lang kapatid, kagaya ng sinabi ng ibang kapatid sa taas ay medyo mahirap i-convince ang mga ganyang edad na manirahan sa ibang lugar na 'di nila kinasanayan. kagaya ng pag migrate sa Pilipinas pagkatapos na ipinanganak at lumaki sa America. siguro kung ang kabaliktaran ang mangyayari ay medyo mas madali sigurong gawin. sa totoo lang, iba ang pananaw/opinion/nararamdaman mo sa isang lugar kung ikaw ay magbabakasyon lamang at iba naman kung ikaw ay maninirahan. medyo mahirap pa kung naranasan na nilang kumuha ng part time jobs nila (yung dalawang mas matanda) at kumita ng sarili nilang pera.Originally Posted by bunge
siguro ang isang makakatulong sa iyong mga pamangkin, lalong lalo na sa panganay, ay kung sya ay makakatagpo ng mga bagong kaibigan o kaya girl friend. siguro ito ay sapat na magiging dahilan para medyo maen-ganyo syang tumira sa Pilipinas. di ko alam kung anong suhestyon ang maibibigay ko sa dalawang dalagita. isa pang pwedeng gawin ay tanungin mo sa tatay nila kung ano ang normal routine nila sa America at ipakita mo na meron din dian sa Pilipinas.
whew..sweet problem ang pasyal..heheehe
mahilig ba sila magbiyahe..i suggest a ROAD TRIP (with RORO)!
huwag lang sana matapat sa bagyo 'yung schedule nyo.
north trip muna:
Manila - Vigan - Laoag - Pagudpud - Cagayan (Callao Caves) - Banawe - Sagada - Baguio - La Union (surf) - Pangasinan (Bolinao) - Manaoag - Manila
south bound:
Manila - Cavite - Batangas - Quezon - Marinduque - Bicolandia - Sorsogon (Bacon/Paguriran Islands/Donsol) - Masbate - Samar (eastern samar is known for surfing spots) - Leyte - Cebu - Bohol
from Leyte, pwede na rin kayo pumunta sa Mindanao via RORO and go to Siargao in Surigao,
and Camiguin. (wala pa akong suggestions about Mindanao..haven't taken that route yet..hehehe)
I suggest that you also see Batanes (kaso once a week lang ata ang flight ng Asian Spirit papunta dun.)
I guess it would be good to know the interests/hobbies of your 'pamangkins' so we can also give you better suggestions.
tuloy na po ang trip namin sa July 9 - Aug 2.... sad to say hindi sa Pinas... Asian tour po... South Korea, Malaysia, Singapore, China and Hongkong... umatras ang mga bata, dahil sa init sa New York, akala nila mas mainit dito sa Pinas ngayon...
cancel nyo na South Korean trip. nagpapaputok ng pitong test missile ang Nokor. one missile was said to have capability to reach western US. medyo jittery mga bansa ngaun.Originally Posted by bunge
hay buti pa sila may one month tour outside the country..... nakakainggit kasi sial may bakasyon...... huhuhu....
Mga katoto, di po ako nakasama kahapon sa flight papuntang Singapore dahil sa aking trangkaso at mala-sore eyes na mata. Di po ako pinapasok ng eroplano, sa counter pa lang ay sinabihan na ako. Susunod na lang ako sa kanila pag medyo okay na ang mata ko sa linggo na ito. So habang nagpapagaling, tsikot.com muna ang aatupagin ko dito, hehehe.