1. Wag po kalimutan ang driver's license. No need for IDL.
Wisconsin DMV Official Government Site - Driving in Wisconsin with a foreign driver's license
2. Alamin mabuti ang mga road signs.
3. Respeto po sa mga emergency vehicles (police, fire, ambulance). Kung maari, tumabi po sa kanan parte ng kalsada. Huwag haharangan ang intersection. Kung masyado silang malapit, huminto sa ligtas na lugar.
4. For directions, gumamit ng smart phone o kaya gps. Malaking tulong po ang may mga ganitong gamit lalo na po kung hindi kayo pamilyar sa lugar.
5. Ang klima po sa Wisconsin ay malamig kumpara sa ibang State pero May to August po ay mainit.
6. Magdala po ng internationally accepted credit card. Lahat po halos ay tumatanggap ng credit card kahit street parking. Kung cash naman po, mas mabuti meron laging small denomination. May mga fast food chain po na ayaw tummangap ng above $20 cash.
7. Self serve po ang mga gas station. Alamin din po ang appropriate na gas (octane level) para sa sasakyan na gagamitin nyo.
8. Sa Wisconsin po ay limitado ang pwedeng mapasyalan pero pwede kayong mag drive papuntang Illinois. Doon po sigarado mageenjoy kayo.
9. Kung magsha shopping po kayo, alamin nyo po ang sales tax. Iba't ibang State po ay iba iba rin ang tax rate. Sa Wisconsin po ay 5%. Sa Illinois po ay 6.25%.
10. Kung meron pa po kayong gustong malaman tungkol sa driving rules sa Wisconsin, eto po ang link sa WI DMV
Wisconsin DMV Official Government Site