New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 34

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #1
    I have a 5 yo kid, pwede na mag school next school year. I don't know if he is gifted, pero ang alam ko, marami na syang alam.

    Unang reaction ko, ayos to, pwede na siyang maging honor student, buti na lang naisip ko mag basa basa tungkol dito, kasi pala dapat pala talagang malaman ko kung anong level na siya dapat, otherwise, magkakaroon siya ng problem sa school, pwedeng ma bore siya, or mag regress siya, pretend na hindi pa siya marunong para hindi siya ma outcast, or worse baka mag rebelde sa school.

    Pwedeng hindi siya gifted, pero advanced lang siya somehow, in any case, dapat pa rin ma assess. Kung tingin ninyo ang anak ninyo ay gifted, pa assess nyo na, hindi ko pa lang alam eksakto kung saan, pero sabi try ko daw sa UP Educ.

    Hindi ko din alam kung nag iilusyon lang ako na marami na siyang alam hehe. Baka naman karamihan na din ng bata ay ganun. Malamang hindi gifted child anak ko, kasi ibang gatas ang ininom niya e hehehe

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #2
    may kilala ako 5 years old lang can read and write like a 7 years old.. pero ng ipa asses sya hindi naman daw gifted fast learner lang talaga.. meron din naman 12years old na hirap pang mag basa hehehe

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #3
    A month bago mag 4 yrs. old ang baby ko ipinasok na namin sya ng Kinder 1 sa Kumon (sya ang gustong-gustong pumasok na). After 2 months nakakuha na sya ng Bronze Medal na bibihira lang daw sa mga bata. Actually nadagdagan na naman ang Bronze nya ng isa pa. Natapos na rin nya ang addition nya, ngayon subtraction naman. Binigyan na nga sya ng sariling chair and table kasama ng mga gold medalist sa iisang room kasi gusto nilang idevelop pa ang isip ng baby ko.

    Problema lang namin sa kanya ang hirap turuan ng Tagalog pero pag English pagkasabi mo pa lang alam na nya.

    BTW she's a Fast Learner not a gifted.

  4. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    199
    #4
    meron akong boss (media personality) dati...mahusay yung anak but he refused to have his kid accelerated...gusto nyang mabuhay ng normal na kasama yung mga kaedad ng bata..may katwiran rin sya.

    i remember yung story nung isang gifted girl na laging nagagamit sa commercial ng milk yata yun...sya yung may commercial regarding planetary system..she almost amounted to nothing...thats from her own mouth.

    yup, i agree dapat pagaralan nating mabuti kung anong maganda para sa mga anak natin.

  5. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    2,027
    #5
    Quote Originally Posted by nerbyoso View Post
    meron akong boss (media personality) dati...mahusay yung anak but he refused to have his kid accelerated...gusto nyang mabuhay ng normal na kasama yung mga kaedad ng bata..may katwiran rin sya.

    i remember yung story nung isang gifted girl na laging nagagamit sa commercial ng milk yata yun...sya yung may commercial regarding planetary system..she almost amounted to nothing...thats from her own mouth.

    yup, i agree dapat pagaralan nating mabuti kung anong maganda para sa mga anak natin.
    i know this girl, batch-mate ko yan nung college. minsan kasi pag gifted na-ooutcast talaga lalo kung kilala. btw, she looks hot right now, for me at least.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    232
    #6
    my son is a fast learner pero tamad pumasok sa school, nursery pa lang siya niyan, sa araw araw na lang pahirapan kung pumasok.minsan, exam day nila ayaw talaga pumasok iyak ng iyak, nung nasa school na at iwan ni misis talagang walang tigil ang iyak, hayun sabi ng teacher habang nageexam siya iyak pa rin ng iyak. nagulat na lang kami sa resulta ng exams niya dahil perfect score niya sa 3 subjects tapos dun sa 2 subjects halos ma perfect din niya.

  7. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #7
    Actually ako din hoping ako na fast learner lang siya.

    Kasi magulo kapag gifted. According to my readings, maraming gifted children na hindi ma classify kung san papasok kasi karamihan ng gifted, in particular areas lang sila magaling, tapos normal naman yung ibang areas or pwede nga behind sila sa iba. Tapos pwede ring gifted ang bata pero at the same time may learning dissability din.

    Ang fast learner, at least medyo mas well rounded, so kung bored siya sa topics na pang kinder o kung ano man, pwede i-accelerate na hindi siya mahihirapan humabol sa ibang topics.

    Saka pihado magastos mag nurture ng gifted child hehe.

    Sir Syuryuken, magkano po sa Kumon? Ano ba teaching style doon?

    Baby ko din, galing na magbasa both english and tagalog, started reading between 3-4 yo. Mga 3 leter words nakaka spell na din, meron ding mas maraming letters pero yung mga simple lang. Marunong na din siya ng 1 digit addition, ay, hanggang 10+10 pala hehe. At dahil marunong na magbasa, marami na ring na pi-pick up na kung anu-ano, like yung planets, yung difference ng living at non-living things etc. At hindi pa siya nag s-school, sa TV, books at internet lang niya napupulot yung mga yun. Tindi din ng TV na yan, tagalog namin kinakausap sila, pero marunong mag ingles, may disney channel at nickelodeon accent nga lang hehe.

  8. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    469
    #8
    My 3 year old can read letters and numbers gifted ba yon?

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,794
    #9
    Quote Originally Posted by Tacoma_34 View Post
    My 3 year old can read letters and numbers gifted ba yon?

    ako i could read and "draw" numbers when i was three in school..hindi naman ako gifted

  10. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    301
    #10
    Quote Originally Posted by Tacoma_34 View Post
    My 3 year old can read letters and numbers gifted ba yon?
    + 1 here. Ang alam ko dre' sa tingin ko eh lahat ng magulang gifted
    ang tingin sa mga anak nila. Ganon ka special yong bata sa paningin ng magulang. I have a 3 year old and a 10 mos. and can't help to wonder
    new things everyday.

  11. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #11
    Quote Originally Posted by AnuVaYan View Post
    Sir Syuryuken, magkano po sa Kumon? Ano ba teaching style doon?
    Bro magkaiba ang tuition fee ng Metro Manila dito sa province alam ko mas mahal within Manila area.


    Ang Kumon especialized nila ang Math and Reading idinagdag na lang yung K1, K2, Grade 1 to 6.

    Iba yung klase ng baby ko sa K1 iba pa yung Kumon+ nya. Ang kagandahan kasi dito sa Kumon+ 1:1 ang ratio (student and teacher) kaya natututukan nilang maigi yung mga bata. Sa K1 class naman nya 12:2 ang ratio.

    Etong malupit na estudyante sa Kumon grade 4 nagka-calculus na

  12. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    301
    #12
    wala kasing PROMIL nung araw.. sana GIFTED din ako..heheheheeh


    i have 3 kids, they're doing fine, they are not "gifted" as far as the school standard is concern.. but i adhere vehemently to my idea that they are.. THE BEST GIFT!!!!:groupwave:

  13. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    834
    #13
    Gifted din ba pag tamad mag aral? kng gifted un edi gifted pala ako. nyahahahha.
    Mas maganda nga yung normal na bata sa tingin ko lng ha ynng mga loko loko sa skul ng grade-highskul mostly sila yng mga nagiging sucessfull??? para skin lng po. Ksi lahat ng prof ko kwento nila tarant*do daw sila dati pinatunayan nila na may alam din sila...

  14. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #14
    when i was a kid sabi nila gifted ako and got honors... naasar lang ako kasi ako laging huling tatawagin and dapat asa stage ako ayun hindi ako makauwi agad...

    pero may sister ako gifted talaga, when she was young she corrects her teachers even nun nasa kindergarten siya and sinabihan nya yun teacher nya na wag daw silang pinagloloko... naging habit nya rin yun icontest yun source ng teacher nya kung reliable daw or hindi... bored at school siya sobra kasi alam nya na lahat... her gift, is our curse...

  15. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    148
    #15
    Quote Originally Posted by AnuVaYan View Post
    I have a 5 yo kid, pwede na mag school next school year. I don't know if he is gifted, pero ang alam ko, marami na syang alam.

    Unang reaction ko, ayos to, pwede na siyang maging honor student, buti na lang naisip ko mag basa basa tungkol dito, kasi pala dapat pala talagang malaman ko kung anong level na siya dapat, otherwise, magkakaroon siya ng problem sa school, pwedeng ma bore siya, or mag regress siya, pretend na hindi pa siya marunong para hindi siya ma outcast, or worse baka mag rebelde sa school.

    Pwedeng hindi siya gifted, pero advanced lang siya somehow, in any case, dapat pa rin ma assess. Kung tingin ninyo ang anak ninyo ay gifted, pa assess nyo na, hindi ko pa lang alam eksakto kung saan, pero sabi try ko daw sa UP Educ.

    Hindi ko din alam kung nag iilusyon lang ako na marami na siyang alam hehe. Baka naman karamihan na din ng bata ay ganun. Malamang hindi gifted child anak ko, kasi ibang gatas ang ininom niya e hehehe
    if your 5 y.o. child could recite the english alphabet in less than 10 seconds then he or she is gifted, by the way it is not the the normal way but backwards starting from the last letter z going to first letter a.
    pustahan kahit matatanda na normal ang IQ mahihirapan i-recite ang english alphabet backwards.

Do you have a gifted child?