New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3
    #1
    mga tsikoteers, meron akong problema....

    itong converted land cruiser 80 ay isang taon ng maganda ang dating. ito ang daily drive ng tatay ko sa cebu city. noong nakaraang linggo, sabi ng tatay, hindi na maganda ang takbo. biglang humihina ang takbo, parang tumataas ang rpm ng makina kumpara sa noon, kaya dahan-dahan na lang takbo, hindi na lumalagpas ng 70 kph. kaya pinatingin nya (sa labas) sa isang mekaneko ng toyota. ang tingin sa mekaneko ay merong sira sa automatic transmission, kaya ang ginawa ay dini-drain ang ATF at tinanggal ang oil pan. meron syang hawak na mga electrical diagrams, kaya na-identify nya ang apat na solenoid valves sa loob ng transmission. ini-isa nya ng pag-test sa electrical continuity at kanyang nakita na isa sa apat ay sira, open daw, walang continuity, kaya hindi gumagana. sabi nya, ang transmission ay hanggang 2nd gear lang, hindi na naka-abut sa 3rd gear at saka 4th overdrive gear. ang problema eh, walang nakita na spare solenoid valves dito sa cebu city, kaya ang ginawa'y binalik na lang yung sirang solenoid valve, at saka inayos ang oil pan. sa ngayon, dahan-dahan na lang ang takbo ng cruiser, para hindi masyadong mataas ang rpm sa makina.

    maghingi sana ako ng tulong sa inyo.... saan mabili itong solenoid valves? maraming salamat po. syanga pala, sabi ng mekaneko ang modelo ng automatic transmission ay A442F, ang makina ay 1HD-T, at ang chassis ay HDJ81.

    salamat, ito si nafcruzr.

  2. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3
    #2
    mga tsikoteers, nasaan ang mga land cruiser experts? thanks.

  3. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    636
    #3
    Check with WAS shop in Banawe, they specialize in LC parts.

  4. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3
    #4
    jackaroo:

    maraming salamat sa info. syanga, anong direksyon makita ang WAS shop?

Transmission Problem ng Land Cruiser 80