Nasa casa po right now yung car ko Nissan Sentra GX 1.3L A/T. Isa sya sa mga minalas na nabaha, naroad-test na nila yung oto pero may problem na lumabas. Erratic yung idling (minsan napakataas nung stick sa gauge minsan naman parang nagpu-pump sya), other problem mahina humatak.
Diagnosis: Throttle daw yung cause nung erratic idling at kailangan daw itong palitan, yung walang power (hatak) na-trace nila sa TCM (transmission control module) at kailangan din daw itong palitan. They said that they already cleaned the throttle assembly prior to road testing. Napalitan na rin lahat ng fluids as in ready for pick up na yung oto nung biglang lumabas tong dalawang problem na to.
Ask ko lang mga bosing kung kaya pa bang gawan ng paraan o marepair yang dalawang parts na yan? Bago ako magdesisyon na magorder ng bago. May kamahalan din kasi eh, yung Throttle more than P20k, yung TCM around P30k din.
Pa-post na lang po kung saang repair shop kaya iparepair 'to. Baka kasi simple sensor or solenoid lang ang damage pero pinapapalitan na yung buong throttle assembly at TCM.