background... nagsliding clutch na ako. so dinala ko sa talyer yung oto for clutch replacement. iniwanan ko na lang doon kasi may pasok pa ako. nagbilin ako na palitan lahat ang papalitan (meaning clutch disc, pressure plate, release bearing).
pagbalik ko, okay na yung oto. ang kaso ang sabi sa akin clutch lang ang pinalitan kasi daw "maganda" pa daw yung plate and bearing. naasar ako syempre kaso kinuha ko na rin oto kasi gagamitin ko kinabukasan.
problema ko ngayon, hindi na nga sya sliding, kaso may nginig sya pag ie-engage mo na yung clutch from stop. dati nung maayos pa clutch ko, wala tong ganito, swabe sya dati. lumabas lang sya (yung nginig) nung magsisimula nang mag slide yung clutch. ngayong napalitan na yung clutch (lang), nandon pa rin yung nginig.
Baka di maingat yung mechanic at nalagyan ng langis yung bagong clutch pag-install. Kung konti lang langis, baka mawala yan. Pero baka mag-glaze yung clutch mo kung marami langis, lalong manginginig.
Hindi maganda ang salpak ng clutch disc, tabingi in short kaya pag half depress ng clutch vibration from flywheel kaagad. Have the pressure plate checked also baka may maluwag na nuts.
tikboy, have d same prob sa toyota ko, sabi nung mekaniko, clutch master daw, so palit kami ng repair kit lang which is also worn out, then, found out na nung bi ni bleed yung fluid, walang lumalabas. yun pala, puno na ng latak. so nilinis, binugahan ng hangin, ok na. by the way nagpalit na rin ako ng clutch assembly, also replaced the 3 supports. pa check mo rin kung mahigpit yung mga supports. nangyari rin kasi sa akin, nakalimutan na higpitan ng husto yung isang support, manginginig nga. hth
mga sir, almost similar problem sa oto ko... kaibahan lang, when stepping sa clutch lalo na sa stop-go trafic, say, tumapak ako sa gas pedal to go, then stop ulit, shempre, need to step sa break pedal then pag tapak ko sa clutch to shift to neutral, naiiwan sa more than 1,000 RPM ko. it usually happened pag mediyo malayo na biyahe ko or matagal na sa trafic.. kailangan turn-off and on pa ang engine to go back to neutral.
clutch problem kaya mga sir?
any advise and tip from you mga sir is appreciated...