New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    154
    #1
    Naiwan kong nakaprimera yung car ko nung pinark ko magdamag.

    Ano kayang masamang epekto nun sa car?

    so far wala pa naman akong nakita.

  2. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,757
    #2
    walang epekto. wag mo lang i-start na nakaprimera at di ka nakaapak sa clutch.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,092
    #3
    walang problema..easy lang

  4. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #4
    bro yung iba ng pati ako iniiwan ko sa primera or segunda at naka handbrake para backup sa brake incase mag fail ang handbrake habang naka park.
    na experience ko kasi na nakahanbrake lang at incline sa parking , nagfail ang handbrake bumaba buti na lang walalng tinamaan na dumadaan na sasakyan.

  5. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #5
    Hehehe, natawa ako dun sa tanong ah. Anyway, nasagot na naman eh.

  6. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #6
    Sa M/T, OK lang na iwanan nagka engage ang gear. para sa akin, insurance ito just in case mag fail ang hand brake.

  7. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    154
    #7
    Quote Originally Posted by Galactus View Post
    Hehehe, natawa ako dun sa tanong ah. Anyway, nasagot na naman eh.

    Newbie pa lang kasi.. hehehe

    sabi nga sakin ginagawa daw yun kapag nakainclined para backup sa hand brake. thanks sa mga clarifications.

  8. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    10
    #8
    sir add ko lang din para ma satisfy kayo,, nagkaroon kasi kami ng owner type jeep dati,, wala syang hand brake,, from 1986 hanggang 1998 kapag naka park yun naka primera o kaya segunda,, once lang naibaba ang transmission,, noong nagpalit ng clutch disc...

  9. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,299
    #9
    sa owner type jeep yan ang pinaka hand brake pagnaka hinto. yan tinuro sakin dati noong nag aaral palang ako magdrive. pag steep yung incline ng pagpark naka 1st gear din ako + handbrake + malaking bato sa gulong.

Naiwang nka primera magdamag