everytime kasi na isi-shift ko from 1st to 3rd and 5th gear, may something na "krrrgg" na tumutunog.. while sa 4th gear nman, biglang kumakalas everytime na irerelease ko na clutch ko.. yung 1st gear ko rin, nagbabanta n ng tulad s 4th gear.. pag magha-hanging ako, biglang kumakalas..
kailangan na daw kasi palitan yung synchronizer ng tranny ko..
saan po ba meron nagrerepair ng manual transmission?? and how much will it cost para maayos??
and, ano ba ang mas praktikal?? palitan yung buong transmission o ipapalit ang mga "synchronizer"??
Base sa experience ko. 4.5k ang synchronizers ng sentra b14 ewan ko lang sa galant. Hindi pa kasama yung baba ng clutch... lets say mga 1.5k ang baba so mga 6k na yun.
Kung surplus tranny naman nasa 12k rin pero hindi ka sure kung maayos pa yung laman nun...
Sa Advance po kami sa Pasay nagpagawa. Actually home service yun kasi nag stuck up yung gear sa 2nd after nila palitan ng clutch. Ayun nasira yung synchros.
Option nga namin yung tranny or synchros.
Sa option 1 (tranny) nag hanap kami sa Banawe mga 12k yung buong tranny. Pero pwede pa tawaran.
Yung option 2 (synchros) yun yung sa evangelista na 4.5k.
Yung option 2 yung pinili namin.
Tapos magmula noon, hindi na maayos yung 5th gear. ANg hirap i shift sa 5th at ang hirap i unshift.