Sa Advance po kami sa Pasay nagpagawa. Actually home service yun kasi nag stuck up yung gear sa 2nd after nila palitan ng clutch. Ayun nasira yung synchros.
Option nga namin yung tranny or synchros.
Sa option 1 (tranny) nag hanap kami sa Banawe mga 12k yung buong tranny. Pero pwede pa tawaran.
Yung option 2 (synchros) yun yung sa evangelista na 4.5k.
Yung option 2 yung pinili namin.
Tapos magmula noon, hindi na maayos yung 5th gear. ANg hirap i shift sa 5th at ang hirap i unshift.
Pwede pa rin naman sir, ang kaso maging meticuloso ka sa pag kakagawa nila. Huwag ka mahihiya na sabihin kung hindi ka comportable sa gawa nila at wag ka basta basta maniniwala kapag sinabi nila na "ganun talaga yun."
Dahil minsan, magbabago't magbabago ang feeling mo sa pag gamit ng kambyo. Pero hindi dapat. Dapat maibalik yun sa original na setting kung matino ang pagkakagawa nila.
Isa pa, kung kailngan nandun ka habang ginagawa mas mainam ito. Dahil minsan may nakakalimutan silang ikabit na turnilyo.