Tulong naman po. I just noticed this morning na may leak yung transmission ko. Saan po ba maaaring nanggagaling yung leak? How much would it cost to fix it? My car is a sentra GA16 manual tranny. TIA.
Baka sa oil seal yan sir sa transmission mo or crankshaft rear oil seal. Hindi mo ba ma trace kung saan banda yung leak?
Usually pag nagpalit ng oil seal, baba buo transmission. Pa check mo na rin yung release bearing, clutch pressure plate at clutch disk para isang labor lang babayaran mo.
No idea sa total price. Wait pa natin mga guru, baka may maganda silang suggestion.
just had my transmission leak fixed. Yung mga axle oil seals ang sira. sinabay ko na rin palitan yung clutch kit kahit pwede pa yung current clutch ko para makatipid sa labor. medyo masakit nga lang sa bulsa.
OEM Clutch Disk P1250
OEM Pressure plate P1700
OEM Release bearing P750
Transmission mount P630
Oil seal (2PCS) P340
Labor P1500